Loading...
Loading...

BISErbisyong LENI – Episode 35

ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Ngayon po ay araw ng Linggo, January 7, 2018. Unang episode ng Biserbisyong LENI ngayong 2018.
Mga kasama, ako pa rin ho si Ely Saludar, at kasama po natin dito sa ating studio ang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, ang nanay ng sambayanang Pilipino, si Madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning po sa inyo.

VP LENI: Good morning, Ka Ely. Good morning po sa lahat na nakikinig sa atin ngayong umaga. Sa mga Bicolano po na kasama natin ngayong umaga, marhay na aga sa indo gabos! Sa mga taga-Visayas at Mindanao, maayong buntag kaninyong tanan. Happy New Year, Ka Ely!

ELY: Happy New Year! At sa atin pong mga kababayan, tuloy po ang ating serbisyo publiko, mga kasama. Sa mga nakikinig diyan po sa RMN Naga- DWNX 91.1, RMN Cebu-DYHP 612, RMN Cagayan de Oro-DXCC 828, at RMN Davao-DXDC 621. At sa lahat po ng inaabot ng ating broadcast sa Facebook, “RMN News Nationwide: The Sound of the Nation,” gayundin po sa FB live sa “VP Leni Robredo.” Lahat po ng mga nakikinig, saan man kayo naroroon, sa iba’t ibang panig ng mundo, mga kasama.

At siyempre, unang una po siguro, Ma’am, kumustahan po tayo, bagamat sa pagtatapos ng 2017 ay ang dami pong mga humabol na kalamidad, iyong bagyo.

VP LENI: Oo, actually, iyong opisina namin, iyon iyong pinagkaabalahan noong Christmas break. Sunud-sunod iyong bagyo. Kung maaalala po natin, nagkaroon tayo ng Typhoon Urduja, nagkaroon tayo ng Typhoon Vinta, kaya iyong nangyari, Ka Ely, pagkatapos—bago mag-Christmas, pagkatapos mag-Christmas—iyon iyong ginawa ng opisina. Nagpadala kami ng iba’t ibang mga teams para doon sa mga lugar na nasalanta ng bagyo.

Pinakauna na doon iyong Eastern Samar, Ka Ely. Sa Eastern Samar nagpadala kami ng teams sa tatlong munisipyo doon—Balangkayan, Salcedo, saka Quinapondan. Iyon iyong pinakauna. Tapos mayroon din kaming isang team, ito after Christmas, December 27-28. Ito naman sa Biliran, Almeria, Naval, saka Caibiran. Matindi iyong baha doon, Ka Ely, at marami iyong mga bahay na nagiba.

Pero pagkatapos ng Urduja, kasunod na iyong Vinta, at iyong Vinta naman ang nasalanta iyong Mindanao. Kaya pagkatapos na pagkatapos naman ng New Year, mayroon na naman kaming teams na pumunta sa CARAGA. Ito, Ka Ely, Surigao, Agusan, at Dinagat Islands. Itong sa Dinagat Islands, sa Loreto, ito iyong medyo malaki-laking damage. Tapos sa Agusan naman, sa Veruela, Agusan del Sur ito. Tapos mga two days ago or three days ago, nandoon din iyong team namin sa Lanao Sur saka sa Lanao Norte.

Ito, Ka Ely, talagang matindi kasi iyong panahon na sana nagsasaya tayo lahat, iniisip natin iyong mga kababayan natin na nawalan ng bahay. Kung naaalala natin, Ka Ely, mayroon ding malaking sunog sa Davao, na nangyari Christmas. Kaya ito, nakakalungkot, kasi hindi tayo makapagsaya nang maayos kasi inaalala naman natin iyong mga kababayan natin na dumadaan sa matinding pagsubok.

ELY: Okay, sa ngayon ho, mga kasama, mayroon pa hong humabol diyan, Ma’am. Iyong Agaton.

VP LENI: Oo. Mayroon pang Agaton. Actually, tatlong magkakasunod. Kung maaalala natin, last year, dumaan si Typhoon Nina Christmas Day, at nasalanta nito Bicol, Marinduque, iba’t ibang bahagi ng Quezon, kaya ito talaga, kakaiba na talaga iyong panahon natin ngayon. Kung naaalala natin noon, imposible na magkaroon ng bagyo ng Disyembre. Pero ngayon, halos taon-taon nangyayari na, kaya kailangan talagang paghandaan.

Kaya nga sinasabi natin, Ka Ely, siguro panahon din para balikan natin iyong mga DRRM na mga polisiya, mga… mayroon na tayo nitong mga nakalista na kailangang gawin, pero kung titingnan natin, napakarami pa ring namatay. So siguro tatanungin natin iyong sarili natin, ano iyong nangyari kung bakit maraming namatay? Kasi for a long time, parang iyong parati nating tina-target sana zero casualties, pero ngayon maraming namatay, lalong lalo na sa Mindanao. So siguro, Ka Ely, kailangang tingnan bakit nangyari iyon.

ELY: Siguro, Ma’am, iyong binabanggit din dito iyong mga panukala na talagang kailangang tingnan na, iyong mga lugar kung saan delikado na iyong ating mga kababayan…

VP LENI: Dapat hindi na tirahan ng tao.

ELY: Opo. At siguro dapat magkaroon din po tayo ng permanenteng evacuation center na kapag… iyong nakadisenyo po para sa mga evacuees, iyong mga pangangailangan, lahat ho, may toilet, kumpleto. Kasi kung sa basketball court nga naman, sa eskuwelahan dadalhin iyong mga evacuees, iyong iba talaga nagmamatigas na ayaw umalis sa bahay kasi alam nila na pagdating sa basketball court, hindi komportable.

VP LENI: Totoo iyon, Ka Ely. Saka halimbawa, sa amin, iyong Bicol kasi madalas ding daanan ng bagyo. Iyong proposal ko nga doon, depende sa location ng paaralan, iyong disenyo sana ng school buildings, ano na, hindi na galvanized iron iyong bubong niya pero buhos na.

Kasi alam mo sa amin, Ka Ely, noong Typhoon Nina, iyong mga bagong paaralan, nilipad na din iyong mga bubong niya, kasi kahit siguro nakadisenyo siya na pambagyo, talagang iyong location niya nasa gitna ng mga bukid, ng palayan, na parang wala man lang harang sa lakas ng hangin. Kaya iyon iyong request ko sa DepEd after ng Typhoon Nina na baka puwedeng tingnan ulit, depende sa location talaga ng paaralan, talagang baguhin na iyong design.

ELY: Opo. At siguro iyong mga paaralan na madalas gawing evacuation center, siguro mas ibahin iyong disenyo. Mas maraming toilet, ‘di ho ba? At siyempre, para mas madali, puwedeng tirahan pansamantala.

VP LENI: Oo. Kasi kung titingnan natin, Ka Ely, sa akin parang madalas akong bumisita sa evacuation centers. Karamihan, paaralan. At kapag paaralan, hindi naman lahat ng classrooms may banyo, lalo na iyong mga luma. Iyong mga bago kasi mayroon na, pero iyong mga luma hindi lahat ng classrooms may banyo.

Ang karamihan pa sa amin, kahit doon sa mga lugar na binabaha, talagang one-storey lang iyong mga paaralan. Kaya inuulit-ulit ko nga noong nasa Kongreso pa ako, Ka Ely, na sana kung gagawin talagang evacuation centers iyong paaralan, sana gawing multi-storey. Kasi paminsan hindi rin nagagamit, at paminsan delikado din iyong mga nag-e-evacuate kasi delikado talaga.

Tapos iyon, tama ka, marami iyong ayaw lumipat kasi hindi talaga komportable. Siksikan, tapos iyon, walang banyo. Siyempre, lalo na kung walang kuryente, makikipagsiksikan ka sa napakainit.

ELY: Opo. Okay, so iyon ho ang ating paunang talakayan, mga kasama.
[music break]

ELY: Samantala, oras natin, 9:11, mga kasama. Mamaya antabayanan niyo, pag-uusapan din natin iyong iba’t ibang proyekto sa Angat Buhay, at siyempre iyong Istorya ng Pag-asa. Pero magandang pag-usapan din natin, Ma’am, dahil lahat siguro tayo mayroong pakialam nationwide, iyong ating mga kababayan sa iba’t ibang lugar—Luzon, Visayas, at Mindanao—maging iyong mga overseas Filipino workers at lahat ng mga naninirahan sa ibang bansa ay mainit na pinag-uusapan ngayon iyong mga pagkilos para baguhin iyong ating Saligang Batas. Ngayon, ang isinusulong ho iyong ConAss, iyong Constituent Assembly. Kasi tatlo, Ma’am, ano? Iyong ways na puwedeng baguhin iyong ating Saligang Batas: iyong People’s Initiative, Constitutional Convention, at isa po, iyong ConAss. Pero ngayon parang ang gusto iyong ConAss.

VP LENI: Iyon kasing Con-Ass, Ka Ely, iyong Kongreso na… Iyong Constitutional Convention kasi parang gagawa ng isang komisyon, parang Constitutional Commission, na— Noong panahon ni Pangulong Cory Aquino, nag-appoint, nag-appoint ng mga miyembro ng Constitutional Commission, nagkaroon ng Constitutional Convention. Pero ito, isa talagang body na ang pinakaobligasyon, isulat iyong Konstitusyon.

Ito namang Con-Ass, Constituent Assembly, parang iko-convert mo iyong Kongreso na parehong mga tao, sila na din iyong gagawa noong mga pag-amyenda o pagbabago ng Konstitusyon. Ngayon, pinakamatunog iyong Con-Ass. Maraming kumokontra, marami ding sumusulong, kaya isang bagay na kailangang pag-usapan nang mas seryoso.

ELY: So dito ho, pabor po kayo na pag-usapan nang mas seryoso… pero may mga agad na lumulutang, at marami sa ating mga kababayan ang parang nag-aalangan dito, iyong usapin sa term extension. Lahat po—mula po sa taas hanggang sa baba na mga opisyal—at iyong No Elections.

VP LENI: Ito kasi— Unang una, Ka Ely, itong No Elections, kontrang kontra tayo doon sa No Elections. Kasi iyong eleksyon, parang ito iyong pinakabuod ng ating demokrasya. Ito lamang iyong natatanging paraan para iyong ordinaryong Pilipino makilahok sa isang proseso na siya iyong pipili kung sino iyong mamumuno sa kaniya.

Kasi kami namang mga namumuno, hindi naman kami iyong boss, pero kami iyong boses ng ordinaryong Pilipino. Kapag inalis natin sa ordinaryong Pilipino iyong karapatang pumili kung sino iyong magre-represent sa kaniya, nasaan na iyong demokrasya doon? Kaya sa atin, kontra tayo sa walang eleksyon.

Iyong term extension naman, tingin ko maiintindihan na karamihan sa mga nakaupo gusto iyong term extension kasi unang una, napakagastos ng eleksyon. Pero tingin ko, Ka Ely, simple iyong tanong, simple iyong isyu. Noong kumandidato kami… Ako, noong kumandidato ako noong 2016, iyong kontrata ko sa mamamayan, na ako maninilbihan sa loob ng anim na taon. Hindi naman doon kasama na anim na taon na puwedeng habaan. Kaya kung mayroon namang usapin sa term extension, tingin ko nararapat lamang na kung iyong mga nakaupo ngayon iyong magdedesisyon na magkaroon ng term extension, dapat lahat kami hindi makinabang.

Kasi kung makikinabang kami, parati nang may kuwestiyon kung ano iyong intensyon bakit magkakaroon ng term extension. Parang self-serving: ‘Gusto naming palawigin iyong aming termino, kaya magpapasa kami ng isang panukala o isang batas para habaan pa iyong kontrata namin sa mga Pilipino.’ Tingin ko hindi iyon… hindi siya— Nasaan iyong katarungan doon?

Palagay ko… Kung palagay ng mga nakaupo ngayon dapat i-extend iyong termino ng mga opisyal, kailangang mas mahaba iyong termino ng mga opisyal, eh ‘di sana hindi kami iyong makikinabang kundi iyong susunod, para hindi pagdududahan iyong intensyon sa likod ng panukala.

ELY: Iyong pansariling interes…

VP LENI: Hindi pansariling interes. Kasi kung kami din iyong makikinabang, parating magdududa iyong ating mga kababayan kung bakit sinusulong iyong ganoon. Parang gusto lang naming palawigin iyong kapangyarihan na ibinigay sa amin.

ELY: Okay, maliwanag po, iyan po ang posisyon ng ating Bise Presidente. Samantala, mga kasama…
[music break]

Oras na natin, 9:16 ng umaga. Isyu po iyan na pinag-uusapan at lahat tayo may pakialam. Magbantay po tayo dito sa isyu kung saan nagnanais na baguhin iyong ating sistema ng pamahalaan. At siyempre iyong No Elections issue at iyong term extension.
[END GAP 1]

ELY SALUDAR: Samantala mga kasama pag-usapan naman natin ngayon ang Angat Buhay, at bukod sa Angat Buhay ay mayroon pang Angay Kabuhayan, ma’am, hindi ba?

VP LENI: Ang Angat Kabuhayan Ka-Ely parang ano iyon, kabahagi din siya ng Angat Buhay. Parang pinalawig lang natin o hindi pinalawig, parang nagbigay lang tayong focus sa kabuhayan sa ibang mga bahagi ng Pilipinas na parang Angat Buhay communities. Pero ngayong umaga Ka-Ely ang inimbita natin kasama din natin sa opisina. Ibimbita natin sa si Georgina Ann Hernandez-Yang, si Geoann dahil siya Ka-Ely ang head ng parang advocacy unit ng Office of the Vice President. At sila iyong parang namamahala ng Angat Buhay Program.

Ito kasi Ka-Ely parang pinagyayabang ito ng aming opisina kasi kung ating naaalala, noong kami po ay unang nanungkulan pakatapos lang ng inauguration, sinabi namin na mag-isip tayo ng parang advocacy program. Kasi hindi naman pwede na parang anim na taon, parang ceremonial lang ang ginagawa ng Pangalawang Pangulo. Iniimbita ka sa mga okasyon, tatanggap ka ng mga bisita, nagcu-cut ka ng mga ribbons sa kung anu-anong mga events. Parang marami namang pwedeng gawin na makakatulong sa mga kababayan natin.

ELY SALUDAR: Kasi dati ang sinasabi dapat mabigyan din ng mga cabinet position. So ngayon ma’am napatunayan niyo na kahit walang cabinet position, maraming trabaho.

VP LENI: Maraming pwedeng gawin, oo. Kaya iyon iyong parang doon nabuhay ang Angat Buhay. Ang pinaka-konsepto talaga Ka-Ely ng Angat Buhay ay isa siyang Anti-poverty Pogram kung saan maghahanap tayo ng komunidad na napakahirap at tutulungan iyon. At si Geoann saka iyong kanyang team, sila iyong namumuno ng Angat Buhay, pero Ka-Ely kaya inimbita natin sa Geoann kasi mas alam niya yung Angat Buhay kesa sa akin kasi sila iyong araw-araw na nakatututok dun. Pero kaya ko sinasabi Ka-Ely na pinagyayabang ito ng opisina namin kasi noong first year namin wala itong pondong sarili. Umasa lang talaga kami sa tulong ng mga private organizations, mga private companies, pero tanungin natin Ka-Ely si Geoann. Na after one year, kasi ni-launch ito October 10, 2016, after one year ano na ba iyong accomplishments natin sa Angat Buhay? Ayun, magandang umaga sa iyo Geoann.

ELY SALUDAR: Good morning!

GEORGINA HERNANDEZ-YANG: Good morning ma’am, good morning VP Leni! Good morning Ka-Ely. Parang nakakakaba po palang maging guest ng iyong boss, pero kakayanin ko ito.

May mga magaganda po tayong balita at tulad ng sinabi ni VP Leni noong unang taon walang budget. Pero sa tulong ng mahigit dalawang daang (200) partners, mostly from private sector, mayroon nang Php176-M worth of projects na nakaabot sa 89,958 families. So nagsimula po tayo Ka-Ely sa 50 cities and municipalities lang pero tumutugon tayo sa mga pangangailangan ng mga naapektuhan ng bagyo, mga naapektuhan ng lindol, at may ibang mga lugar din. Iyong mga nangangailangan nga ng negosyo at trabaho, so dumagdag mula sa 50 ay 176 cities and municipalities na po tayo ngayon.

VP LENI: Oo. At ito Geoann, ito Ka-Ely, noong ina-assess namin parang nagulat din kami kasi iyong pinaka- kung naaalala mo Geoann. Noong nag-uumpisa kami sabi namin parang nakakatakot ata, akala nga namin hindi namin kakayanin ang 50. Parang nakakatakot pero mag-concentrate na lang muna tayo sa 50 sa loob ng isang taon, parang buhos doon iyong ating tulong.

Pero alam mo Ka-Ely babagyo, lilindol, tapos pupunta ka sa isang lugar, halimbawa may naimbita din na Mayor or local official galing sa ibang lugar, makikiusap: “Pwede bang kami maging Angat Buhay community din?” At pag nakita mo naman kasi Ka-Ely na may pangangailangan, talagang tutugunan mo. Tapos hindi namin, parang hindi namin, nabilang araw-araw hanggang after one year na-realize namin 176 communities na.

ELY SALUDAR: Ang dami na.

GEORGINA HERNANDEZ-YANG: Tapos ang kagandahan niya ay hindi lang siya numero. Sa bawat proyekto na ginagawa namin may mukha na involved talaga iyong mga community at dahil nga wala naman po kaming opisina at tao sa mga komunidad, iyong mga leaders ang mga community voluteers. Sa Angat Buhay kasi may iba’t ibang aspeto po, una iyong sa edukasyon. Unang taon maraming mga classrooms, tapos may mga lugar na iyong mga bata naglalakad ng 5-kilometers papunta at 5-kilometeres pabalik, so mayroon tayong Angat Buhay partner na nag-donate ng multicab na naging school bus sa Balangcayan, Eastern Samar. Mas tumaas iyong attendance ng mga bata sa eskwelahan. Mayroon din naman na mga high school na mas malalayo pa iyong nilalakad, higit pa doon sa 5-kilometers, iyong partner po natin na Yellow Boat of Hope Foundation sa Siayan, Zamboanga del Norte ay nagtayo ng dormitory.

Inaasahan po natin ngayong taon 2018 mas marami pa hong classroom na magagawa dahil marami tayong mga partners. Iyong Filipino-Chinese Chamber of Commerce.

VP LENI: Oo, iyon malakas natin na partner kasi parating nagpapagawa ng schools, hindi ba.

GEORGINA HERNANDEZ-YANG: Oo, may dagdag na mga classrooms mula doon sa Filipino-Chinese Chamber of Commerce, Philam Foundation, Sunlife Foundation. Tuloy pa rin po iyon. Pero ang gusto natin tutukan ngayon, na maraming nakikinig din, iyong mga senior high school students na ga-graduate ngayong April. Gusto nating tutukan na magkaroon sila ng pagkakataon na makapaghanap ng trabaho o makapaghanap ng additional na tech-voc (technical vocational) training para makapag-negosyo o makapag-trabaho pagkatapos nilang grumaduate.

VP LENI: Pero ito kasi Ka-Ely isang nakita namin na parang gap kasi iyong konsepto talaga ng senior high school nakapaganda, kasi marami tayong kabataan na hindi na rin kayang mag-college. Pero kung iyong dati nating programa na hanggang high school lang, parang walang competitive edge, hindi ba, para pumasok sa trabaho. Pero iyong konsepto ng senior high, habang nagse-senior high sila parang iyo na iyong immersion at saka internship nila sa mga industriya.

ELY SALUDAR: Yes, oo.

VP LENI: Pero ang problema niyo Ka-Ely maraming mga lugar na parang kulang iyong negosyo doon, kulang iyong industriya doon kaya wala naman talagang pagkakataon na mag-immerse. Kaya iyon iyong hinahanap namin ngayon, papaano ba matutulungan ang mga kabataan sa lugar na mga iyon para i-link sila dito sa mga industrial partners. Ito Geoann siguro i-mention natin, iba-iba na kasi ang modes of engagement ngayon ng Angat Buhay. Mayroon tayo sa mga paaralan, mayroon sa kabuhayan, pero siguro bigyan lang natin sila ng parang idea kung anu-ano ang iba’t ibang modes of engagement natin.

GEORGINA HERNANDEZ-YANG: Iyon, maliban po sa Angat Buhay na tumututok sa edukasyon, may kalusugan at nutrisyon, tapos iyong mga programa sa kanayunan. Iyong Angat Buhay Youth naging napakaganda rin po na bunga ng Angat Buhay. Kasi noong una ang nakakasali lang sa Angat Buhay bilang partner iyong mga NGO, mga private companies, pero hindi natin nakita noong umpisa na ang laki ng pwedeng maitulong ng kabataan.

VP LENI: Maraming mga kabataan na gusto talagang mag-participate.

GEORGINA HERNANDEZ-YANG: Mas maraming energy actually so noong na-launch po iyong Angat Buhay Youth August of 2017, mayroon agad na twenty (20) projects na na-ipresent sa ating mga projects kasama iyong sa San Miguel Corporation at sampu doon natanggap na ng seed funding tig-25,000.

Ngayong darating na 2018, inaasahan natin na mas darami pa ang Angat Buhay Youth leaders kasi iyong summit natin dadalhin sa Mindanao, dadalhin sa Visayas, dadalhin sa Luzon.

VP LENI: Oo, kasi noong una dito lang sa Metro Manila.

GEORGINA HERNANDEZ-YANG: Dati dito lang, tapos noong una kaunti lang, 50 organizations tapos naging top 10 organizations. Pero iyong mga naunang Angat Buhay Youth leaders magso-sponsor sila ng chapters natin sa Mindanao, sa Visayas, sa Luzon, so mas maraming mga proyekto na pwedeng gawin iyong mga organization, both iyong mga school based, at iyong mga community-based organizations.

VP LENI: Ito Ka-Ely nagkaroon kami ng parang competition eh, nagkaroon kami ng competition doon sa mga best projects ng Angat Buhay Youth at mayroon tayong piniling top 3 ba iyon

GEORGINA HERNANDEZ-YANG: So bale 50 organizations po, tapos naging top 10.

VP LENI: Pero iyong nag-1st Ka-Ely sa competition nakakuha kami ng parang tulong, grant mula sa isang South Korean University, Hanyang University. Ito Ka-Ely iyong mga kabataan natin dinala nila doon ng libre. Hindi lang dinala doon ng libre sa South Korea sa Seoul, pero binigyan pa ng parang seed fund para magawa nila iyong kanilang proposed na project. Parang exciting para sa mga kabataan kasi sa murang edad nagkakaroon sila ng pagkakataon na i-implement na ang mga programang gusto nila.

GEORGINA HERNANDEZ-YANG: Iyon po estudyante pa siya ng medisina so kaugnay pa rin ng Angay Buhay sa kalusugan naman sila, mental health, sa Lipa Batangas.

VP LENI: Pero pwera ng Angat Buhay Youth natin, ano pa iyong ibang parang mga modes of engagement?

GEORGINA HERNANDEZ-YANG: So kadugtong ng Angat Buhay Youth, mayroon tayong Angat Buhay in School so nakikipag-ugnayan tayo sa mga eskwelahan sa mga project ng mga bata para iyong mga thesis at saka mga school projects nagagamit na may naitutulong talaga sa komunidad.

VP LENI: Ano na iyong mga schools na partner natin ngayon?

GEORGINA HERNANDEZ-YANG: So mayroon tayo dito sa Manila sa Assumption College, sa inyo pong alma mater ma’am, sa ISI, tapos mayroon tayo sa Ateneo de Zamboanga, sa Xavier University. Siguro iyong magandang kwento po dito iyong sa Xavier University kasi mga grupo sila ng mga engineering students, na nag-develop sila ng isang equipment para maparami iyong salt production para sa isang nearby community sa Cagayan de Oro, doon po sa Alubihid, Misamis Oriental. So kung hindi na0ugnay sa Angat Buhay iyon magiging siyang project na hindi na natin makikita in reality pero mayroon tayong mga Angat Buhay partner na nagpondo ng kanilang technology at nadala doon mismo sa Alubihid, Misamis Oriental.

VP LENI: Saka siguro, ito first time ko ito na narinig Geoann, pero siguro maganda din na tulungan natin sila na parang ma-register iyong produkto nila para mayroon silang patent doon sa kanilang discovery. Saka maliban dito, iyong mga Mayor ba ng ating mga Angat Buhay sites, parang nag-u-undergo sila ng parang training. Anong program ito?

GEORGINA HERNANDEZ-YANG: Iyong porgrama po natin, Ka-Ely, iyong Bridging Leadership Program. Kasi para sa atin iyong Angat Buhay isa siyang konsepto na pinapakilala natin doon sa mga local government na isang paraan ng pamumuno. So mayroon tayong series of trainings para sa mga Mayor ng Angat Buhay kasama ng kanilang mga opisyal, ng mga liders, sa kanilang lugar para makakasiguro tayo na maitutuloy nila ang mga programa na sinimulan natin doon at malalaman pa ano pa ang ibang mga kailangan, ipapaalam din nila sa atin at sa mga partners natin sa Angat Buhay.

VP LENI: Tapos ito Ka-Ely iyong pinaka-konsepto kasi ng Angat Buhay dati ay pupunta iyong opisina sa mga iba’t ibang probinsya sa ating bansa, hindi ba, hahanaping nating iyong mga may pangangailangang tugma sa binibigay ng ating partners. Pero nakita namin Ka-Ely, parang noong first few months, ang hindi namin naisip na kahit dito pala sa Metro Manila, marami ding mga communities kahit mayaman iyong lungsod, pero maraming din communities na andami ding tulong na pwedeng dalhin. Kaya dito namin ni-launch ang Metro Laylayan.

GEORGINA HERNANDEZ-YANG: Naka-anim na tayo. Nagsimula po ito noong June, nakapunta tayo sa Caloocan, Pateros, Malabon, Navotas, Pasay tapos iyong pinakahuli po iyong Marikina.

ELY SALUDAR: Saan pa iyong North Caloocan may nagpapasalamat sa atin eh.

VP LENI: Oo, iyan ang una naming pinuntahan Ka-Ely.

ELY SALUDAR: Ayan, “Maraming salamat po Vice President Leni Robredo, at iyong sa Pamasko’t Bagong taon ninyo sa amin pangsalu-salo. At sa pangunguna po ni Ma’am Cariz.” Mula sa North Caloocan.

GEORGINA HERNANDEZ-YANG: Kasamahan po natin si Cariz

VP LENI: Siya iyong parang namumuno din noong aming Metro Laylayan visits. Ang kabutihan dito sa Metro Laylayan, Ka-Ely, noong una kasi parang pupunta kami doon magbibigay ng serbisyo, medical, legal, mahgaganap kami ng mahihirap na families na pwedeng tulungan. Pero ngayong parang kinabit na namin siya sa programa naming Angat Kabuhayan.

ELY SALUDAR: Pero mas maganda, ma’am, itong Angat Kabuhayan kasi tinuturuan natin na maging mas produktibo iyong ating mga kabataan.

VP LENI: Iyong Angat Kabuhayan, Ka-Ely, pupunta kami sa isang lugar, na una nating ginawa sa Marikina, at saka sa Pasay. May dala na kami, Ka-Ely, ng mga partners na nangangailangan ng mga empleyado so para siyang ng job fair pero iyong kabutihan dito hindi lang siya basta job fair, pero kinakabitan namin ng kinakailangan nila.

GEORGINA HERNANDEZ-YANG: Pang-requirement, parang tinawag namin siya na one-stop-shop. Job fair pero mayroon tayong pang-photographer na pang-ID picture. Kasi minsan iyong maliliit na bagay parang kahit may oportunidad na makapag-trabaho, kung wala sila noong mga barangay clearance, ng birth certificates, iyong mga dokumento na kailangan nila sa pag-apply sa trabaho, hindi sila nakaka-access doon sa mga employment.

VP LENI: Kaya ito kinukumpleto na natin, Ka-Ely, isang setting. Tapos ito pa, may mga job opportunities na kinakailanganan ng special skills, hindi ba. Ito Ka-Ely, kami na din ang magpo-provide. Kami na din ang magpo-provide ng training, mayroon kaming mga partners, halimbawa TESDA isa sa mga partners namin. Para iyong kinakailangang special skills nandoon.

GEORGINA HERNANDEZ-YANG: Iyong naging guest natin last year sa Baristra training, bahagi iyong ng Metro Laylayan. Sa Pasay, nagkaroon ng barista training, automotive, tapos mayroon ding housekeeping. Napili po iyong mga training na iyon kasi may lumapit sa atin. Iyong ng Lazada naghahanap ng riders at saka iyong magre-repair ng mga motor. Tapos may iba’t ibang hotels sa Pasay na naghahanap ng housekeepers tapos iyong barista daw talagang number 1 na hinahanap ngayon.

VP LENI: Saka masayang-masaya sila hindi ba. Nalasahan namin, Ka-Ely, iyong kanilang mga ginagawang kape. Ito, Ka-Ely, ano din noong una sinimulan namin ito sa Metro Laylayan, Metro Manila, pero sa mga pagi-ikot din nila Geoann sa mga communities na mahihirap, may mga nadidiskubre kami na mga grupo na may magagandang parang prospect sa negosyo, wala lang kapital. Kaya ito nakailang lugar na tayo, Geoann?

GEORGINA HERNANDEZ-YANG: Kabahagi pa rin sa Angat Kabuhayan iyong mga negosyo na nagbibigay tayo ng kapital sa kanila, mga livelihood assistance.

VP LENI: At ito, Ka-Ely, and ibinibigay kapital pero kailangan ipakita nila sa opisina, nagsusubmit sila ng parang mga business proposal, binibisita talaga namin.

GEORGINA HERNANDEZ-YANG: Tinitignan kung may buyer talaga at kikita. Kasi minsan sinasabi nila na okay naman ang produkto pero wala lang buyer, sinasabi namin hindi okay ang produkto kung walang buyer. So iyon po, may binibigyan tayo ng tulong sa additional na kapital sa mga piggery, mayroon din sa mga carabao, sari-sari store, tapos additional na kapital din sa pagsasaka. Tapos may mga grupo ng kababaihan na involved sa pananahi, paghahabi, so ito tinitignan namin na iugnay din sila sa mga buyer dito. Nakausap namin natin halimbawa ang Tesoro’s, tapos iyong sa Kultura sa SM. Iyong iyong mga partner na pwedeng bumili ng produkto ng mga kababaihan.

VP LENI: Actually, Ka-Ely, iyong first batch ng aming tinutulungan dinala namin sila lahat dito. Nagkaroon sila ng training at nagkaroon ng pag-iikot, hindi ba. Ikot doon sa mga posibleng mga markets, pinapakilala namin sila. Iyon iyong aming target sa Angat Kabuhayan na hindi lang training ang ibibigay, pero pati iyong paghanap ng trabaho, pati iyong paghanap ng market. Kasi alam mo, Ka-Ely, andaming trainings na nangyayari pero pagkakatapos ng training parang wala ding pupuntahan. Kaya sabi ko sa amin, yung training hindi iyon ang accomplishment namin, iyong training proseso lang iyon, pero iyong accomplishment, doon ba sa trinaning namin, ilan iyong natulungan namin magkaroon ng trabaho?

ELY SALUDAR: Ayan maganda po yan, ma’am, kasi iyong ibang walang kakayanan na talagang pumunta pa sa kolehiyo, ito mayroon talaga silang sigurong trabaho.

GEORGINA HERNANDEZ-YANG: Dahil diretso sila na may access doon sa impormasyon kung ano ba iyong bebentang produkto, ano ba iyong mga trabahong kailangan ng mga kausap natin. Sa construction pa lang, andami na hong mga lumalapit sa amin na naghahanap, at saka iyong mga nakikita natin na mga food kiosks, iyong mga Potato Corner, iyong mga bibingka Ferino’s bibingka, naghahanap iyon sila, lumalapit sa amin kasi alam nila na marami kaming contact din na nga community na naghahanap ng trabaho. So kami ang nagtutulay doon sa mga naghahanap ng trabaho, naghahanap ng produkto, naghahanap ng matutulungan, doon sa mga community na nangangailangan.

VP LENI: Saka ito Ka-Ely mayroon din kaming isang nakitang potential. Ito sa agrikultura, kasi napakaraming mga lugar, halimbawa iyong mga nasa probinsya, Geoann, na wala naman masyadong negosyo doon pero pwedeng-pwedeng tulungan iyong agrikultura. Mayroon ngayon na existing na models tayo, Ka-Ely, na iba’t ibang nag-umpisa pero pwedeng pwede ituro sa ibang mga magsasaka.

Isang example nito, Ka-Ely, iyong sa Jollibee Foundation. Iyong Jollibee Foundation kasi, Ka-Ely, dati iyong mga kailangan nila sa Jollibee ini-import pa nila, ini-import nila galing sa ibang bansa kasi una lumalabas mas mura pa tuloy. Pangalawa, mas maganda talaga iyong quality. Pero nag-umpisa ang Jollibee Foundation ng isang napakagandang proyekto. Sumubok sila, Ka-Ely, na ano, iyong onions. Iyong onions nila dito nila bibilhin. May sinubukan silang isang grupo ng mga magsasaka sa Nueva Ecija, sa San Jose City, Nueva Ecija. Ito iyong Kalasag Farmers, na sinubukan nila itong turuan, tulungan para mag-produce ng onions. Ngayon, Ka-Ely, kabibisita lang namin noong nakaraang buwan, napaka-successful na, Ka-Ely, ng mga farmers na ito. Na iyong teknolohiya na inumpisahan ng Jollibee sa kanila, ang kagandahan, Ka-Ely, ng Jollibee willing siyang magturo. Willing niyang ituro iyong modelo, iyong konsepto kahit pa nga sa competitor nila. Ah kasi halimbawa, Ka-Ely, halimbawa sa amin sa Naga, mayroon isang napakalaking food chain, iyong Bigg’s, iyon competitor iyon ng Jollibee, pero noong nagbigay ng interest ang Bigg’s na iyong Bigg’s gusto niya na ang CSR / corporate social responsibility program niya ay tulungan iyong mga magsasaka, iyong Jollibee pumunta doon para turuan. At ngayon iyon ang sinusubukan namin sa Metro Naga, Ka-Ely, na iyong lahat ng pangangailangan, hindi lang ng Bigg’s pero ng mga ospital sa amin, mga restaurants, hotels, imbis na binibili pa sa labas, bilhin na sa mga local farmers. Napakaganda kasi matutulungan mo iyong mga magsasaka doon at matutulungan din ang negosyo. At nagpapasalamat tayo sa Jollibee, sa Kalasag Farmers, na talagang pumupunta doon, saka iyong partner natin sa Cebu, Lamac Cooperative. Tinutulungan iyong mga magsasaka sa amin ng kanilang mga karanasan para magaya din. Kasi ito, Ka-Ely, nakita namin na parang contract growing kasi siya eh, iyong tinatanim mo guaranteed na bibilhin na sa presyong maganda.

ELY SALUDAR: May kukuha na, bibilhin na.

GEORGINA HERNANDEZ-YANG: Iyong sa presyong maganda. Kasi nakakapagdikta din, nakakapagsabi din ang mga farmers.

VP LENI: Sa ngayong ang mga magsasaka natin, Ka-Ely, sobrang sisipag, pero kapag halimbawa panahon na ani ng kanilang mga produkto, bagsak presyo kasi ang dami. Nagke-kwento nga iyong Kalasag noong hindi pa nila kilala iyong Jollibee, pag panahon ng harvest ng onions hindi na nila hina-harvest. Kasi iyong gagastusin nila sa transportation, sa pag-ani, kulang pa sa presyo, abonado pa.

GEORGINA HERNANDEZ-YANG: Iiwanan nalang nila, abono na lang sa lupa, para hindi na ano…

VP LENI: Pero kung guaranteed sale ito, iyong presyo sila ang nagdidikta eh.

ELY SALUDAR: Maganda pa.

VP LENI: Napakaganda eh, kaya ito ng pinakita ito sa mga magsasaka, pinakita sa amin, iyong isang site namin iyong sa Kiangan, Ifugao kausap na din ng Jollibee ngayon, parang nagte-test marketing na din sila. Parang bell pepper ba, Geoann? Kung hindi ako nagkakamali, bell pepper. Ang gusto natin maraming lugar pa sa buong Pilipinas ang sumubok nito.

GEORGINA HERNANDEZ-YANG: Opo.

ELY SALUDAR: At saka Siguro, ma’am, mawawala na automatic iyong smuggling.

VP LENI: At saka iyong ano local.

ELY SALUDAR: Oo local na talaga dapat. Iyan ang maganda, ano ma’am, sa Jollibee Corporation, tinatangkilik nila iyong local.

VP LENI: Oo, ito, Ka-Ely, itong Lamac Cooperative sa Cebu, ano din eh, ano iyong produkto?

GEORGINA HERNANDEZ-YANG: Sa Chowking sila nagsu-supply ng mga gulay pang-chopsuey.

VP LENI: Mga gulay… Ano kasi ang Chowking pag-aari din ng Jollibee. Sila iyong nagsu-supply ng mga pang-gulay chopseuy sa Chowking. At napakalaki, Ka-Ely, napakalaki ng benta. Kaya ito, talagang ito ang panaginip natin para sa mga farmers natin na parang kung titignan nakalimutan ko na iyong average age ng Filipino farmer, pero matanda na, 57 yata hindi ba. Kasi iyong mga bata ayaw nang, parang ayaw nang magpunta sa agriculture kasi iyong kita ang baba. Ang mga anak ng mga farmers nasa call center, at na kung maayos naman, napakalaki ng kitang pwedeng makuha, parang gusto natin maibalik ulit iyong dating sigla ng farming.

ELY SALUDAR: Opo. Okay, mayroon tayong text na ang sabi, sa Cebu raw kailan tayo magkakaron ng Metro Laylayan?

GEORGINA HERNANDEZ-YANG: Sa Cebu mayroon po tayong mga project din sa Cebu ngayon, pero mostly sa labas pa po. Mayroon tayo sa San Remigio, Cebu at sa mayroon tayong binigyan din ng mga iyong WASH, iyong water sanitation health, iyong mga toilet bowls doon para ma-improve iyong kalusugan. Pero sa Cebu City, kaugnay na rin po nating iyong sa local government para diro sa senior high schools. Nakausap na natin iyong mga lider doon para sa livelihood and employment assistance sa senior high school.

VP LENI: Iyong ano Ka-Ely, iyong San Remigio, malayo-layo iyon galing sa Cebu city. Pinuntahan na namin iyon, mayroon doong mga mangingisda na tinutulungan tayo, sa kabuhayan, sa mga pangangailangan. Tapos mayroon tayo doon na mga tinutulungan na mga disabled, mga PWDs, marami na mga PWDs sa San Remigio, at sa ngayon isa siya sa mga lugar na gusto namin tutukan. Ito iyong sinasabi ni Geoann na Partnership with Senior High Schools sa Cebu. Ito kasi, Ka-Ely, napaka-ripe ng Cebu para dyan kasi maraming industriya doon. Napakaraming industriya doon kaya gusto namin na simulan din doon iyong ginagawa dito na.

Ito kasi, Ka-Ely, madali ito sa Region 4-A. Sa Region 4-A napakari iyong mga industries. Kaya marami tayong pwedeng ikabit na senior high schools. Pero ito sa Cebu, nakita natin iyong promise. Ah mayroon pa, Ka-Ely, na isa pang lugar, iyong sa Bulan, Sorsogon. Iyong Bulan, Sorsogon naman, Ka-Ely, mayroon tayong partner na shipping industry na magco-convert siya ng senior high school doon na parang iyong emphasis niya iyong parang maritime na. Kasi napakarami din ng pangangailangan ng mga seafarers na kinukulang din sila sa mga talents kaya ang gusto nila parang i-introduce doon kasi isang coastal community ang Bulan. At pagpunta namin doon, nag-present sila sa local government unit, interesadong interesado talaga ang local government unit, kaya ganito, Ka-Ely, mga ganito ang mga partnerships na pinapasukan.

GEORGINA HERNANDEZ-YANG: Ano din, ang isang tututukan din ngayong 2018 ay ang Marawi Rehabilitation. Andyan tayo simula ng mag-umpisa po ang Marawi siege. At tuloy-tuloy ang pagbigay ng tulong at sa relief goods. Pero ngayon po mayroong bubuuin na Angat Buhay Village. Kausap na po natin si Mayor sa Marawi so may mga temporary shelter, kasama na dyan ang mga livelihood project nila doon sa temporary shelter nila. At sisiguraduhin din na kumpleto, may tubig, may kuryente, so nakapunta na, nakapag-site visit na ang team. May kausa na din tayo na volunteer architects, sila Arch. Peach. At sila ang tutulung sa atin na patuloy na gabayan ang mga kababayan natin sa Marawi sa pagbangon po nila.

ELY SALUDAR: Okay.

VP LENI: Ito kasi, Ka-Ely, kung naalala mo mayroong isang grupo na actually napakaraming tao na, dahil dito sa protesta na finile laban sa akin, parang nag-fundraising sila. Kinakailangan namin ng pera pang hulog sa Supreme Court, kailangan namin, Ka-Ely, ng parang Php7.5-M. Iyong ginawa ng grupo, itong Piso para kay Leni nag-fundraising sila, kasi hindi pa kami nakakabayad hanggang ngayon, para itulong. Hindi namin ito tinanggap dahil bawal akong tumanggap ng donasyon. Ang ginawa ng grupo, iyong Piso para kay Leni, nag-submit sila ng petition sa Supreme Court para magpaalam, pwede ba na dyan na namin sa Supreme Court na i-deposito iyong pera. Pero parang sinabi ng Supreme Court na hindi iyon pwede. Pero nakalikom na sila, Ka-Ely, ng Php7.4-M. Ito, Ka-Ely, nakakatuwa iyong mga kwento kasi parang 25,000 na tao iyong nag-donate, pero nagkekwento sila na parang mayroon ditong mga tricycle drivers, mga kung ano lang ang makakaya, mayroon doon naghuhulog ng 50-pesos, 100-pesos na talagang napakalaking tulong na parang sayang naman na hindi siya mailagay sa kung ano intensyon. Noong na-deny na finally ng Supreme Court iyong kanilang petition, nag-suggest kami, Ka-Ely, sa kanila, gusto niyo ba itong itulong sa proyekto? At gustong-gusto nila. Ito ang sinasabi ni Geoann na Angat Buhay Village. Na iyong kanilang donasyong ipapagawa natin ng isang village sa Marawi doon sa mga nawalan ng bahay pero ano talaga ito, parang isang community na iyong pera talaga nanggaling doon sa mga donors, doon sa mga Piso para kay Leni. At ito talaga, Ka-Ely, excited ako dito kasi unang-una parang hiyang-hiya ako sa kanila na kahit na iyong walang-wala isinakripisyo iyong kahit konti para makatulong lang tapos kung walang mangyayari doon, o napunta sa wala, pero ito sabi ko kapag ito naisa-katuparan ang mga pabahay para sa mga nawalan ng bahay, siguro dadating ang panahon iimbitahin natin sila na sumama doon. Para makita kung saan napunta ang sakripisyo nila. Nakakatuwa talaga, Ka-Ely.

ELY SALUDAR: Okay so, Ma’am Georgina salamat. Mas madami ka pa sigurong trabaho. Lalawak at lalawak pa ito.

VP LENI: Kaya nga eh.

GEORGINA HERNANDEZ-YANG: Enjoy naman tayo.

ELY SALUDAR: Okay, salamat po.
[End of Gap 2]

VP LENI: Kasi ka Ely alam mo ang Istorya ng Pag-asa natin ngayon, una kong nakita ang kanyang video. Napakahusay na ballet dancer siya ka Ely. Nakita ko ang video niya na sumasayaw. Pero noong nabasa ko ang kanyang kuwento, talaga naman. Talagang saludo napakalaking inspirasyon ang nabibigay niya sa mga mahihirap. Pero mag-good morning muna tayo sa kanya. Good morning sa iyo, Jamil Montibon.

JAMIL MONTIBON: Good morning po.

VP LENI: Ang kuwento ka Ely ni Jamil, isa siyang basurero. Isa siyang basurero pero naging international ballet dancer. Basurero from Tondo, tama Jamil di ba?

JAMIL MONTIBON: Opo.

VP LENI: Basurero from Tondo. Ito ka Ely binabasa ko ang kuwento niya. Ilang buwan na ang nakaraan nang nafeature siya sa Istorya ng Pag-asa. At gustong-gusto ko talaga mameet ito ngayong umaga alam mo natupad ang aking pangarap Jamil. Nameet na kita pero ang gusto nating malaman, papano ka napasok sa ballet?

JAMIL MONTIBON: Nagsimula po sa iyong school po na Christian Trust Foundation po.

VP LENI: Doon ka pumapasok?

JAMIL MONTIBON: Dati po noong elementary po ako.

VP LENI: Sa Tondo iyon?

JAMIL MONTIBON: Opo. Parang may foundation po siya tapos gagraduate po ako ng elementary, may program po kami tapos iyong kami na po lahat na nandoon kami po ang makakasali sa iskolar ni Lisa Macuja-Elizalde.

VP LENI: Scholar ni Lisa Macuja-Elizalde. Kayo lahat?

JAMIL MONTIBON: Opo lahat po. Ang project niya po ano, iyon din po ang scholar bale Project Ballet Futures.

VP LENI: Ano ito may audition o basta lang kayo…

JAMIL MONTIBON: Wala po.

VP LENI: Wala. So hindi nila alam na marunong ka sumayaw?

JAMIL MONTIBON: Wala, wala po. Wala akong alam ganoon po.

VP LENI: Dati hindi ka naman talaga sumasayaw?

JAMIL MONTIBON: Wala po.

VP LENI: Wala talaga.

JAMIL MONTIBON: Tapos ang ano po doon, parang ang foundation iyong scholar po nila ma’am Lisa iyong hindi po afford mag-ballet. Tapos pupunta po sila sa mga lugar kung saan po iyong may mahihirap po talaga, iyong gustong ganyan na sumayaw na mga bata, ba gusto sa ganito ballet, mga scholar. Mga 50 po ata kaming nakuha ganoon, sa ano…

VP LENI: Lahat galing doon sa Christian Trust Foundation?

JAMIL MONTIBON: Opo pero hindi naman po lahat. May iba-iba rin pong school din po, kumukuha sila minsan.

VP LENI: Pero iyon basta lang kumuha, tapos nabasa ko kasi ewan ko kung tama ang nabasa ko Jamil, parang ang nabasa ko iyong first time daw na pinatalon ka ba, ano bang ginawa nila? Parang ang sabi ka Ely pinatalon siya, tapos parang nakita kaagad na napaka ano ito, napakatatag, napakastrong ng kanyang legs, tama ba iyon? Tama ba iyong pagkabasa ko. Parang nakita kaagad nila Lisa Macuja na medyo kakaiba. Medyo kakaiba si Jamil. Tama ba iyon?

JAMIL MONTIBON: Kasi ang naalala ko sa auditon po iyong pagpasok ko po siyempre hindi ko pa po alam…

VP LENI: Ilang taon ka noon?

JAMIL MONTIBON: 14 po ata. Tapos ano po sabi, may alam daw po ako, sabi ko wala, tapos pinatayo po ako tapos sabi tumalon ka nga hanggang doon, ganito kataas [laughs]. Pagtalon po, ayon po, tapos pina-ano, tapos sabi, kuba ka pa [laughs]. Iyong posture ko po parang hindi pang-ballet kasi di ba ballet po dapat chin up, chest out, dapat ganyan po.

VP LENI: Dati hindi ka ganoon?

JAMIL MONTIBON: Opo ganoon po ako dati, ngayon po napalitan na po.

VP LENI: Nabasa ko kasi Jamil na kaya ka napasok sa pagbabasura kasi talagang napakahirap ng pamilya ninyo.

JAMIL MONTIBON: Opo mahirap po talaga ang pamilya namin.

VP LENI: Ang tatay mo anong trabaho?

JAMIL MONTIBON: Wala po akong tatay.

VP LENI: Wala kang tatay. So single parent ang nanay mo?

JAMIL MONTIBON: Broken family po kami. Ano po parang step, opo kalahati po parang single parent po siya.

VP LENI: Single parent tapos ngayon mayroon na siyang asawa. Pero noong single parent pa lang ang nanay mo, solo ka na anak?

JAMIL MONTIBON: Dalawa po kami.

VP LENI: Dalawa kayo. Tapos parang nabasa ko Jamil na sa kahirapan ninyo marami kayong mga meals na hindi nakakain. Hindi sila nakakakain tatlong beses isang araw ka Ely.

JAMIL MONTIBON: Opo minsan po sa isang araw, isa, minsan po gabi na kasi walang-wala po talaga. Tapos alam niyo po iyong tipong kukuha ka ng basura, umulan po mainit ganoon po, tapos kikitain niyo lang po around mga 100 plus pababa.

VP LENI: Iyong kinukuha ninyong basura saan ninyo siya dinadala?

JAMIL MONTIBON: Junk shop po. Tapos noon po natry ko din iyon, alam niyo po iyong pagpag po iyong sa mga Jollibee. Iyong mga tinitirang pagkain po, ganoon po nagpiprito po tapos binibenta po namin iyon.

VP LENI: Binibenta ninyo din?

JAMIL MONTIBON: Minsan po nakakain ko na din. Grabe po parang sa sobrang hirap po ng buhay po…

VP LENI: Pero noong nagumpisa ka sa ganoon, ilang taon ka?

JAMIL MONTIBON: 10 po ata. Basta paikot-ikot, palaboy-laboy lang po ako noon. Nangunguha lang po ng mga basura. Alam ninyo po ang mga batang nakikita niyo po minsan sa ano, nag-ganoon po ako dati. Kaya nga pagnakikita ko nga, ay nag-ganyan ako dati. Kaya po sobrang ano po, parang sobrang blessed kasi…

VP LENI: Tapos noong pagkatapos ng audition nakuha ka na, nagtraining ka na?

JAMIL MONTIBON: Opo. Nagsimula po. Nagtraining po kami ng mga 2 months ganoon.

VP LENI: Anong klase ang traning ninyo?

JAMIL MONTIBON: More on ano lang po, stretching, parang basic ballet po. Tapos simula po hanggang sa patuloy-tuloy na po, per show po ganoon.

VP LENI: Tapos ayon talagang nadiscover na mayroon kang potential?

JAMIL MONTIBON: Opo, siguro po baka may nakita po sila sa akin kaya kinuha.

VP LENI: Doon sa nagumpisang parang 50, ilan ang tumuloy-tuloy.

JAMIL MONTIBON: Ngayon po tatlo nalang po kaming natira sa batch po namin.

VP LENI: Pero ito mayroon ding isang kuwento Jamil na nabasa ko na hirap ka doon sa training, tapos mayroong panahon na huminto ka. Huminto ka tapos bumalik ka sa pagbabasura? Bakit ganoon?

JAMIL MONTIBON: Opo mayroon po. Noong nagstop po ako ng ballet, parang wala na po akong ibang pupuntahan ganoon. Nabalik po ako ulit sa dati ko pong ginagawa. Tapos parang mga one year po mahigit, ano po, nagbasura po ako noon, iyon parang ang daming nagsabi sa akin na mga kaibigan ko, pamilya ko sabi sa akin bakit ayaw mong bumalik sa ballet ganoon? Tapos nagtanong po ako kay ma’am Lisa Macuja-Elizalde na ma’am Lis, puwede pa po ba ako bumalik ng ballet ganoon po. Tapos nagreply po agad si Ma’am Lis na, Jamil welcome na welcome ka dito. Tapos sabi po bumalik na raw po agad ako, tomorrow na raw po. Tapos iyon po pagpunta namin doon nakatayo lang ako sa gitna tapos hiyang-hiya po ako ganoon. Sabi ni ma’am Lis sa akin, o bakit hindi ka pa nagbaballet? Kunin mo ang mga equipments mo doon magsimula ka nang sumayaw, ganoon ho.

VP LENI: Tapos iyon tuloy-tuloy ka na?

JAMIL MONTIBON: Tapos doon na po nagsimula ang tuloy-tuloy na po na ballet.

VP LENI: Pero ito nakapaghigh school ka?

JAMIL MONTIBON: Ano po, 2nd year high school po. Pero nakapagtake po ako ng ALS. Galing po ako sa ALS.

VP LENI: Galing ka sa ALS. Ito ang ALS talaga ka Ely malaking tulong. Kasi ang gaya… pero ngayon full time ka na sa ballet?

JAMIL MONTIBON: Opo nasa Ballet Manila. Full time po, 11 to 6 po. Opo trabaho na po siya. Ito na po ang buhay ko. Tapos ganoon na po siya.

VP LENI: Tapos noong nagsimula ka ng ballet mayroon kayong allowance?

JAMIL MONTIBON: Noong nagsimula po ako ng ballet mayroon po. Iyong una transportation po, tapos mayroon po kaming pagkain. Ano po [laughs], may gatas pa kami after noon. Libre po. Sa BM ko rin po naranasan pumunta ng iba’t ibang lugar…

VP LENI: Mga saan na ang narating mo?

JAMIL MONTIBON: Nakapunta na po ako ng Hong Kong, Korea… Nagcompete po ako sa Hong Kong. Tapos nagkaroon din po ako ng sa Korea, festival lang po iyon.

VP LENI: Oo. So ito kung hindi ka napasok sa Ballet Manila siguro hindi mo narating ang mga lugar na ito ano.

JAMIL MONTIBON: Wala po, iyong mga lugar nga lang po dito na Cagayan, Baguio mga ganyan at mga iba-ibang lugar, dito lang po sa Ballet Manila.

VP LENI: Ngayon ilang taon ka na?

JAMIL MONTIBON: 23 na po.

VP LENI: So parang 9 na taon ka na sa Ballet Manila.

JAMIL MONTIBON: Opo.

VP LENI: 14 siya ka Ely nagumpisa. At ngayon hindi na namomroblema ang nanay mo?

JAMIL MONTIBON: Hindi na po. Nakakatulong na po ako.

ELY: Okay so bago tayo magtapos at Jamil baka may gusto kang mensahe at maipapayo sa ating mga kababayan na ngayon ay talagang, sabihin mo pagiging basurero at iyong iba….

VP LENI: Oo na hindi kumakain.

ELY: Oo bihira kumain sa isang araw, at anong maipapayo mo sa kanila at iyong ganitong sabihin natin ay pagsubok sa inyong buhay, sabihin natin nalampasan mo. Anong maipapayo natin sa kanila?

JAMIL MONTIBON: Sana po huwag po silang sumuko. Tapos lagi po nilang tandaan na may mga tao na handa pong tumulong sa kanila sa atin, at saka lagi pong magtiwala sa sarili. Tapos pinakaano po, lagi pong magpray. Iyong lang po. Puwede po magimbita po? Invite ko po kayo sa upcoming show po namin sa, ang title po Ballet Ballads sa February 10, 11, 17, 18 po sa Aliw Theater.

VP LENI: Sa Aliw Theater. Alam mo Jamil nagkaroon kayo ng show recently na dapat manonood ako kaso nagkasakit ako. Nagkaflu ako ka Ely. Noong November, December? Doon sana kita makikita for the first time, hindi lang ako nakadalo. Pero itong February baka mapanood na kita. Sa Aliw Theater iyon.

JAMIL MONTIBON: February 10, 11, 17 at 18.

VP LENI: 10, 11, 17, 18 sa February, Ballet Ballads. Ito Jamil unang-una salamat at binigyan mo kami ng pagkakataon makilala ka ngayong Linggo. Pero ito salamat din sa inspirasyon kasi alam mo sana nakikinig ang mga kababayan natin na nagdadaan din sa mga parehong pagsubok na pinagdaanan mo. Na sa pagtitiwala, di ba sa pagtitiwala, sa sipag, sa pagod talagang kayang-kayang malampasan lahat. Kaya maraming salamat sa inspirasyon.

ELY: Salamat kay Jamil Montibon.

VP LENI: Ito lang ka Ely, mayroon tayong bagong listener from Germany ayan. Ito Toronto din, parati tayong maraming Toronto. Ito Canada din. Gaya po ng sabi ko kanina iyong mga taga Canada, sobrang lamig diyan sa inyo ngayon. Mag-ingat po kayo. Kung hindi kailangang lumabas ng bahay huwag muna lalabas ng bahay. Ito kahit sa Amerika napakatindi ng panahon ngayon.

ELY: Iyong ano ma’am, iyong bomb cyclone.

VP LENI: Oo. Iyong East Coast ka Ely ang nagrabe, in fact iyong mga sa baba ng, sa babang bahagi ng East Coast, hindi naman doon nagsosnow talaga, gaya ng Florida, Georgia, itong mga North and South Carolina, nakita ko ka Ely sa Facebook, may snow. Mayroon akong kapatid sa Florida, mayroon akong kaibigan sa Tampa, ano siya, nagpost ng pictures may snow na hindi naman doon nagsosnow. Ito daw sabi ng anak ko na nasa Boston, ang sabi daw doon parang coldest day kahapon na Saturday in the century. Kaya talagang grabe, kaya mag-ingat po kayo diyan. Naku ka Ely wala na tayong oras pero maraming-maraming salamat po sa mga nagpaabot ng mga mensahe, happy new po sa inyo. Mula po ngayong Linggo hanggang sa buong taon, live na po ulit kami. Hindi lang kami naglive ng dalawang linggo kasi may mga nakalagay dito ka Ely na namiss daw tayo.

ELY: Opo. Okay so maraming salamat mga kasama sa inyong pakikinig. At muli, mensahe ma’am sa ating mga listeners sa ating mga kababayan nationwide.

VP LENI: Ito po pagpaabot muli. Pagpaabot muli ng masaganang bagong taon sa inyo, sana po parang pagtingnan natin ang 2018 bilang panibagong pagkakataon. Panibagong pagkakataon para ayusin ang ating mga buhay. Panibagong pagkakataon para ipakita ang pagmamahal natin sa ating bayan. Kaya ito po naging naging mahirap man ang 2017 sa marami sa atin, ito pong bagong taon binibigyan tayo ng bagong pag-asa. Kaya tingin ko ka Ely masuwerteng si Jamil ang ating bisita ngayong umaga kasi si Jamil ang isa sa mga halimbawa na kahit gaanong hirap ang pinagdaanan, parating binibigyan tayo ng pagkakataon na pagbutihin ang ating mga buhay. Kaya Happy New Year po sa inyong lahat, Happy New Year ka Ely. Maraming salamat pong muli.

ELY: Okay mga kasama, iyan po ang ating Bise Presidente. Salamat po sa sumubaybay dito po sa Biserbisyong Leni.

– 30 –

Comments(0)

    Leave a Comment