Loading...
Loading...

Interview in University of the Philippines – Los Banos, Laguna

21 April 2017

Q: May statement po si Congressman Quimpo na nagkaroon pala ng pagpupulong ang LP. Opo, ano po yung mga napagpulungan?

VP Leni: Iyong first part kasi administrative matters. Iyong mga usual, yung mga Party dues, etcetera etcetera. Pero pinag-usapan din yung impeachment. Tinanong ang saloobin ng mga nag-attend. Hindi din kasi madaming naka-attend kasi madaming ang nasa bakasyon. Pero yung mga nag-attend tinanong ang saloobin.

At parang majority ng mga nandoon, nagsasabi na hindi sila supportive sa kahit anong impeachment proceedings whether kay Presidente o sa akin. Pakiramdam nila makakaabala lang sa nakaparaming trabaho ng Kongreso, very divisive, nagca-cause ng polarization. Iyon yung saloobin doon.

Pero iyong usapan namin mag-mimeet ulit pag nagdatingan na. Maghahanap ng date na near enough sa opening, near enough sa opening ng Session.

Para mas marami ang makapag-attend. Pero iyong sense ng grupo iyon, na hindi supportive sa ano mang impeachment proceedings.

Q: VP, I know it is written in black, pero meron po bang kasunduan if, members will note, will toe the line, sa concession na yun?

VP Leni: Doon sa bahagi na na-attendahan ko, hindi iyon pinag-usapan. Ano kasi, hindi ko nasimulan ang meeting.

Pero noong pumunta ako, ang sinabi nila na nagree sila na, parang they will protect me. Pero walang kasunduan yata na kahit ano, kasi yung nakapag-attend lang a little over 10, if I am not sure mga 15 siguro. Mga 15 ang nakapag-attend.

Maraming na sa probinsya, maraming na sa ibang bansa. So mag-mimeeting, maghahanap ng date ng karamihan, yung isang date na tinitingnan baka iyong first day ng session, May 2, baka before the Session starts magkaroon ng pagpupulong ulit para nandiyan na iyong mas marami.

Q: Lampas 15 pa po ba ang hindi naka-attend?

VP Leni: Hindi ko sigurado yung bilang eh. Pero 15 ata yung nag-attend? 15 yata ang nag-attend.

Marami iyong nagpasabi na nag-rerequest ng ibang araw kasi wala, wala sila, hindi available.

So yung decision doon, kung mayroon mang mga babagsakan ng kamay, gagawin pag mas maraming mag-attend.

Q: Confirm ko lang po, lahat po ng 15 ay members of the House Super Majority?

VP Leni: Yes. Iyong mga members of minority wala doon, baka may separate meeting for them. Pero ito lang iyong members ng Super Majority.

Q: Ma’am may stand po ba kayo sa pag-stay po ng House LP sa majority po?

VP Leni: Tingin ko kasi na it’s a decision na dapat sila ay gumawa. Kasi hindi naman ako bahagi doon. Pero yung mga previous na usapin, maging supportive sa administration. Gawin yung lahat ng magkakaya para maging supportive sa administration, iyon ang decision.

At iyong hindi nagsang-ayon doon, iyon ang sumali sa minority. Iyong sense naman kahapon, ganoon pa din. Wala namang nagbago pagdating doon.

Q: Ma’am yung sa attacks on freedom of expression sa USA, may nangyari pong riot – What’s your comment po?

VP Leni: Ito kasi, tayo kasi parati tayo doon sa freedom of expression. Tingin natin dapat minimum ang intervention ng State pagdating doon.

Ang pinakamahirap lang dito sa freedom of expression, ngayong mayroon nang, marami na iyong social media.

Kasi yung demands na parang walang accountability, walang accountability ang nasa social media. Lalo na yung mg anonymous na accounts. Ito yung mahirap.

Kasi halimbawa yung traditional media, bounded by code of ethics, maraming responsibilidad na dini-demand galing sa kanila.

Pero itong social media mahirap. Kaya ito in general, tayo all for, all for, minimum government intervention sa freedom of expression.

###

Comments(0)

    Leave a Comment