Loading...
Loading...

Interview of Aksyon sa Umaga with Atty. Bernadette Sardillo

21 April 2017

Atty. Bernadette Sardillo
Co-Counsel for Vice President Leni Robredo

Q: Ni Vice President Leni Robredo na si Attorney Bernadette Sardillo. Magandang umaga po sa inyo Attorney.

ATTY. BENG SARDILLO: Magandang umaga, Cheryl.

Q: Attorney, ano po ang reaksyon ng inyong kampo dito nga sa pagpapabasura ng kampo ni dating Senador ‘di kayo nakapagbayad ng deposito sa recount?

ATTY. BENG SARDILLO: May pending motion naman po kami na finile namin nung Miyerkules. Hihintayin na lang po naming kung ano yung magiging resolusyon ng Presidential Electoral Tribunal doon sa motion na finile naming nung April 12.

Q: At itong pong inyong finile na pending motion ay para po ipagpaliban muna yung pagbabayad ng inyong kampo?

ATTY. BENG SARDILLO: Opo, nakikiusap po kami sa PET, sa Korte Suprema na kung puwede ay hintayin muna na madesisyunan kung totoo ang mga pinagsasabi ni dating Senador Marcos may naging dayaan noong eleksyon bago po sana kami pagbayarin sa counter protest.

Q: Kailan niyo po inaasahang makakakuha po ng desisyon on this pending motion?

ATTY. BENG SARDILLO: Ayaw naman po naming pangunahan ang Korte Suprema pero baka in the next two weeks ay makuha naming ang resolusyon doon.

Q: Opo, at kung sakali man pong hindi po kayo katigan ng Korte Suprema on this motion, ang ibig pong sabihan nito ay kailangan niyo po magbaya, ganon po ba?

ATTY. BENG SARDILLO: Opo, actually nauna din naman kaming nagsabi doon sa aming manifestation at motion na kung hindi kami papayagan doon sa pakiusap naming, ‘di kami mapagbibigyan ng Korte Suprema, susunod naman kami sa utos nila kung kakailanganin naming magbayad.

Q: Opo, at handa naman po itong, magkano na ho ba iyon? 15 million pesos po ano? Ang kailangan ninyong i-deposito?

ATTY. BENG SARDILLO: Opo, iyong unang pinagbabayad saamin ay 8 million lang muna, dahil nga medyo nagipit din kami sa oras dahil Holy Week po eh. ‘Di ba walang banko ng ilang araw.

Pinag-uusapan pa iyan kung paano namin mababayaran iyong 8 million.

Q: Attorney, kung sakali naman pong katigan ng SC ito pong hiling po ni dating Senador Marcos, ano po ang mangyayari at ano po ang inyong magiging sunod na hakbang on this?

ATTY. BENG SARDILLO: Makikiusap po kami ulit kasi unfair naman po. Una po, ipinaliwanag din namin na bago naman po talaga iyong 8 million or iyong 15 million na hinihingi ng Korte Suprema nabayaran namin ay para iyon doon sa pagkuha ng mga ballot boxes doon sa counter protest.

Eh nasa batas naman po na bago naman kuninin yon at bago pa buksan ang ballot boxes sa counter protest, kinakailangan munang mapatunayan ni Ginoong Marcos na may merito or legitimacy ang kaniyang protesta.

Ibig sabihin po matagal siyang proseso. So kung sa unang tatlong probinsya nga pong pipiliin niya hindi niya mapakita na kaya niyang lamangan ang naging margin ni Vice President Leni Robredo sa noong nakaraang eleksyon, puwede na ma-dismiss ang protesta.

Iyon lang naman po ang pinapakiusap namin na sana nga bago kami pagbayarin ay tingnan muna natin kung kakayanin ba nung mga sinasani ni Ginoong Marcos na dayaan na makaapekto sa resulta ng eleksyon.

Q: At ang tanong din namin ano, dito ho sa pahayag ninyong hindi lamang po 66 million kundi 185 million pesos ang dapat bayaran po ni Senator Marcos para sa eleksyon protest, ano ang naging batayan on this?

ATTY. BENG SARDILLO: Ang batayan lang naman po namin nung nagtatanong kami sa Korte Suprema ay iyong protesta mismo ni Ginoog Marcos, kasi ang nakakalimutan niya palaging banggitin turing nagpapaliwanag po siya sa publiko ay hindi lang iyong 36 thousand na presinto ang kinukuwestiyon niya.

Ang kinukuwestiyon niya at pinagdududahan po niya ay ang resulta ng buong automated election system. Eh may 92 thousand po na presinto na kung saan bumoto ang mga tao, ang sinasabi niya, iyong buong 92 thousand ay hindi tama ang pagbilang ng boto.

So ang position lang po namin, ay kung nasa 92 thousand pinagdududahan at kinekuwestiyon mo hindi ba dapat kailangan lahat iyon bayaran mo.

Q: Okay, panghuli na lamang po Attorney, ang reaksyon po ng lang po ng dating Senador Marcos dito ho sa inyong pending motion ay delaying tactic lang daw itong manifestation sa SC ayon po sakanilang kampo, inyo hong reaksyon on this?

ATTY. BENG SARDILLO: Hindi naman po ata tamang sabihing delaying tactic lang ang aming motion dahil dalawang bayarin ang kailangan gawin sa binigay na schedule ng Korte Suprema ngayong Abril at sa susunod na Hulyo, so kung iyong motion namin hindi naman po nakakaapekto doon sa schedule na binigay ng Korte Suprema kasi bago naman makuha ang ballot boxes, kailangan bayad na buo ang 66 million.

So ang sunod na kabayaran niyan ay sa July, paano naging delaying tactic ito eh sa July pa. Pagkatapos niya mabayaran sa July makukuha iyong ballot boxes.

Comments(0)

    Leave a Comment