Loading...
Loading...

Interview of Georgina Hernandez

20 March 2017

Amoranto Theater, QC, 20 March 2017

Q: Reaction po ninyo sa sinabi ni Speaker Alvarez na nagmamadali si VP na maging Pangulo?

GEORGINA: Iyong pahayag po ni Speaker Alvarez wala hong basehan iyong bagay na iyan at alam naman natin na si VP Leni nakatutok sa kanyang trabaho bilang pangalawang pangulo at wala sa kanyang plano na magmadali o maging pangulo.

Q: Parang nagbabalak din po na hainan ng impeachment complaint si Vice President Leni…

GEORGINA: Kung magkakaroon po ng impeachment complaint, magiging handa naman po si VP Leni na humarap sa bagay na iyan pero ang mariin po naming pinapahayag ay hanggang sa ngayon wala pong malinaw na basehan ang mga binabanggit po ni Speaker Alvarez at sa tingin po namin ay dapat maging responsable po siya sa paglalabas ng ganyang mga pahayag.

Q: Kagabi po sinabi ni President na apurado maging presidente si VP Leni. Ano po reaction ni VP Leni dito?

GEORGINA: Siyempre entitled naman ‘yung Pangulo natin na sabihin kung ano ‘yung mga naiisip niya, pero sana po tingnan rin kung saan nanggagaling, wala naman po talagang ganu’ng plano at hindi nag-aapura si VP Leni sa kung anuman. Kundi apurahin lang na tapusin ‘yung mga sinimulan namin na programa para sa anti poverty programs.

Q: Do you think such statement is uncalled for?

GEORGINA: Rerespetuhin natin kung ano ‘yung sasabihin ng Pangulo, pero para kay VP Leni, ang tanging inaapura lang niya talaga ay ‘yung magkaroon din ng hustisya para sa mga pamilya na naapektuhan ng extrajudicial killings, at saka magkaroon din ng pangkabuhayan na programa ‘yung mga nangangailangan.

Q: Iyong Solgen po suportado daw iyong plano ni speaker Alvarez na maghain ng impeachment complaint laban kay VP…

GEORGINA: Kung iyon po ang nakikita nilang tamang gawin, wala po kaming magagawa kundi harapin ito sa tamang pagkakataon.

Q: Over the weekend sabi ni Senate President Pimentel na mas likely daw na ma-impeach si Vice President kasi madaling iakyat sa Senado, ano po ang masasabi ninyo?

GEORGINA: Kung iyon po ang proseso pero sana hindi lang purely numbers ang tinitingnan natin dito pero yung content, iyong substance dahil naniniwala tayo na yung mga hinalal natin na kinatawan sa kongreso ay bumuboto at nagdedesisyon ng ayon sa kanilang mga prinsipyo at ayon sa mga nakikita nilang tama.

Q: Dineny na po ni PNP Chief Bato dela Rosa yung tungkol sa Palit Ulo scheme, from the OVP’s may effort po ba to reach out to them?

GEORGINA: Pag-uusapan po ng aming opisina kung papaano tayo makakapagugnayan sa PNP sa ngayon gayong may ganyan silang pahayag.

Q: Noong nakaraang Sabado po may nagtatawag for VP Leni’s resignation?

GEORGINA: Hindi na rin naman po yan bago. Matagal ng maraming bumabato ng ganyang mga pahayag laban sa ating pangalawang pangulo pero hindi naman po siya nagpapaapekto at nakatutok pa rin po siya sa mga trabahong dapat niyang gawin bilang pangalawang pangulo.

Q: Reaction lang din po na sinasabing isa si VP sa nasa likod ng impeachment complaint laban sa Pangulo?

GEORGINA: Ilang beses na rin nating narinig si Congressman Alejano na nagsasabi na tanging ang Magdalo group lamang ang nasa likod niya at hindi po bahagi si VP Leni dito sa kanyang ginagawang paghain ng impeachment complaint.

Q: Reaction po si Mocha sa social media bumabanat po siya pero ngayon po pati sa radio programs nagmumura po siya kay VP at bumabanat din siya

GEORGINA: Nananawagan po tayo na magkaroon tayo ng kaunting respeto di lamang dahil pangalawang pangulo iyong kinakausap natin pero dahil kapwa tao po natin iyong ating pinapatungkulan.

Comments(0)

    Leave a Comment