Loading...
Loading...

Leni sa Eleksyon 2016

Transcript of Press Conference, Microtel Acropolis

 Cong. Leni: Magandang hapon po sa inyong lahat. Unang una sa lahat, hindi ko inaasahan na nandito pala ang ating supporters ngayong hapon.

Kaya bago ko po basahin ang aking prepared statement, mapaabot man sa inyo iyong pasasalamat. Hindi ko alam kung natulog ba kayo?

Pero alam kong sabay sabay tayong nag-abang hanggang umaga.

As of 3:15 PM ngayong araw, ayon sa partial and non-official count ng PPCRV, mayroon na po tayong 13,519,046 na boto at lamang na po tayo ng 192,023 na boto.

Mahigit sa 95% ng mga boto ang nabilang na at 7.9% nalang na presinto ang hindi pa nagpapadala ng kanilang resulta. Kaya maraming maraming salamat po sa lahat ng nagtiwala at sumuporta.

Maraming salamat din po sa lahat ng mga Pilipino na nagtiwala sa akin.

Alam ko na marami sa inyo ay puyat at nakatutok sa telebisyon buong gabi hanggang umaga.

Lahat tayo nagsusubaybay mula 5:55 ng hapon kahapon kung kailan paakyat ang gap ni Sen. Marcos. Umabot ito hanggang 935,000 noong 8:25 ng gabi.

Pagdating ng 9:45 ng gabi, nagsimulang lumiit ang lamang ni Sen. Marcos. Pagdating ng hatinggabi, 298,000  nalang ang lamang sa atin hanggang sa naunahan natin sila pagdating ng 3:30 ng madaling araw.

Ayon sa quick count ng PPCRV, malinaw kasi na naunang mabilang ang mga botong sa regions 1,2,3 at 4A. Sumunod na ang regions 5, 6, 7 at Negros Island Region kung saan tayo malalakas.

Kaya naman, ganoon ang takbo ng bilangan at nasubaybayan nating lahat ito.

May dalawang kumakalat na balita na mukhang ang layunin ay magkaroon ng hidwaan sa pagitan namin ni Mayor Duterte. Una po ay mag-reresign daw ako kung si Mayor Duterte ang manalo. Wala po akong sinabi kailan man na ganoon. Sa katotohanan, may ginawa na fake na Facebook page na ganito po ang sinasabi at kung ano, ay ako ang nagsabi noon. Nireklamo na po namin ito at in fact naipatanggal na namin iyong fake na Facebook page.

Pangalawa po ay balitang mayroon daw na Plan B ang Liberal Party na ipa-impeach si Mayor Duterte, wala po itong katotohanan. Sa katunayan, ngayong umaga, narinig ninyo siguro si Sec. Mar sa kanyang sariling press conference at siya mismo ang nagsabi na malinaw na si Mayor Duterte ang magiging sunod na Pangulo ng Pilipinas.

Hinihikayat niya tayo na ibigay ang lahat na suporta sakanya para makamit natin ang ating mga kolektibong pangarap dahil iyan naman ang tunay na diwa ng ating pagiging Pilipino.

Pinupuri po ngayon ng buong mundo ang Comelec dahil sa maayos na pagdaos ng ating halalan. Maraming salamat sa lahat ng ating pulis, guro, volunteers at lahat ng iba pang tumulong para mangyari ito.

Ngayon po hindi pa tapos ang bilangan. Hindi po tayo magsasabi na tayo ay panalo na, hindi po tayo magsasabi na nandadaya ang iba, hindi po tayo magsasabi na talo na ang iba.

Pero ang hinihingi lang po natin, sana po ay huminahon tayo. Hintayin natin ang official na count ng Comelec at kung ano man ang lumabas dito, sana respetuhin nating lahat.

Ito po ay para rin sa ikatatahimik ng ating bansa. Para po maiwan na natin iyong naging masalimuot na eleksyon na marami sa atin ang nagkasamaan ng loob, nagkakagalit, kinakailangan po ng ating bansa na mula sa araw na ito, magkaisa na sana tayong lahat.

Kalimutan na sana natin iyong mga madidilim na bahagi, madidilim na araw na pinagdaanan natin at sabay sabay, titignan na po natin kung papaano tayo magtutulungan para sa ating hinaharap.

Maraming maraming salamat po.

Q: Wala pong katotohanan iyong mga pinapakalat na baka from the Liberal Party ang gumagawa ng pandaraya sa kampo ni Sen. Bongbong?

Cong. Leni: Actually intersado po akong malaman kung ano ba iyong specific na allegation kung tayo ay nandaraya. Kasi ngayon po, alam niyo naman, automated na ang election. Parang napakahirap naman yatang mandaya na halos wala nang human intervention iyong pagboto.

Pangalawa, lahat po kaming kandidato, mayroon kaming mga watchers sa bawat presinto. Interesado po akong malaman, kasi wala pa po akong naririnig na official statement from Comelec kung mayroon bang in-ireport sa kanila kung may pandarayang nangyayari.

Kasi ako po, kagaya nila, interesado din akong malaman. Pero ngayon po wala akong ma-imagine kung papaanong klase ng pandaraya at papaano ito gagawin.

Q: So hindi po reason iyong hindi naman kayo masyadong kilala or sikat para manalo sa ganitong halalan?

Cong. Leni: Siguro po nakita natin iyong paglalakbay ko. Talaga pong kahit naman saang usapan, parati ko pong inaamin na noong nagsimula ako, halos wala talaga sa aking nakakakilala. Pero alam naman po nang lahat sainyo kung gaano ko pinagsikapan ipakilala ang sarili ko.

Nagsimula po ako pang anim sa anim, 1%. Pero iyong 1% po natin paunti unting umakyat. Alam po natin na bago matapos ang buwan ng Abril, may statistical tie na tayo kay Sen. Marcos.

Pero ako po, kahit iyong nasa huli pa ako, never ako gumawa ng allegation na iyong mga nauuna, nandadaya. Palagay ko po unfair iyon kung gagawa ako ng ganoong accusation.

Ang sa akin lang, totoong hindi ako kilala noon pero sa haba ng pitong buwan, siguro naman po iyong mga surveys at ang resulta ng eleksyon nagpapakita na hindi na kagaya noong nag uumpisa tayo.

Q: Ma’am can we just get your reaction, may sinasabi po si Sen. Bongbong na ni-rerequest niyang ipatigil iyong unofficial tally kasi nga raw po may trending and then, to pre-end daw?

Cong. Leni: Ako po hindi ko alam kung may basis ang pagpahinto. Kasi alam naman natin na mula pa noong mga eleksyon noon, mayroon na tayong mga quick count at importante iyong mga quick count kasi ito rin ay para maprevent ang daya.

Mas mabuti nga po mas madami ang gumagawa ng sariling quick count para parang sort of check and balance ito. Hindi ko alam kung anong basis niya. Kasi mayroon pong allegation na pandaraya. Gaya po ngayon, nakikita natin sa social media na maraming accusations na nandadaya tayo pero wala namang detalye kung papaano tayo nandadaya. Sa amin po, interesado ako malaman exactly papaano.

Q: What do you want to tell Sen. Bongbong at this point?

Cong. Leni: Ako po bago naman mag-eleksyon, iyong result ngayon faithful sa surveys eh. Alam niya naman iyon.

Iba ibang surveys ang ginawa. Mayroong SWS, mayroong Pulse Asia, ABS-CBN, kung ano ang resulta ng eleksyon, very very faithful sa surveys pero ito mayroon rin kaming internal surveys.

Ang internal surveys namin nangunguna rin ako. Sabi niya, sila rin.

Ang sa akin, iyong unofficial, partial, bakit hindi hintayin na makapasok lahat? Kasi noong nangunguna nga siya from 5:55 until 9:30, kahit siya ang nangunguna siyempre ano din kami, I’m sure iyong mga supporters ko rito, marami ang hindi nakakakain,

Marami na iyong kahit na-dedepress na kami ng mga anak ko, natatawa na kami sa mga sinasabi na, ok lang po sa akin, ibibigay ko na ang lovelife ko basta manalo lang si Leni, ok lang po sa akin kahit bumagsak ako sa exam.

Ang gusto ko pong sabihin, i-neemphasize ko ito kasi there was a time in the quick count na tayo naman ang kulelat. Noong kulelat tayo na-dedepress tayo pero hindi tayo nagbabato ng unfair na accusations.

Never nating sinabi na nangunguna iyan si Sen. Marcos kasi nandadaya iyan. Kasi I think napaka-unfair na accusation na nagsasabi na nandadaya. Kasi ang dali lang sabihin eh.

Q: Ma’am noong nag-usap kayo ni Sec. Mar Roxas this afternoon, what did you tell him?

Cong. Leni: Actually po ano lang, binisita ko siya kasi dumating ako before lunch. Dumating ako from Naga, binisita ko siya. Hinintay niya ako. Mayroon sana siyang press con ng 10 o’clock but he did not want to do the press con nang hindi pa kami nagkakausap so hinintay niya akong dumating.

Siyempre malungkot ako na hindi si Sec. Mar ang nanalo in the same way siguro na I think si Mayor Duterte na hindi si Sen. Alan ang nanalo. Pero aware kami pareho na dahil ito ang lumalabas ngayon, kung kami man ang palarin at the very end, obligasyon namin magtulungan.

Si Sec. Mar actually ako iyong mas malungkot. Siya, very high spirit. I-naassure niya ako na sabi niya, klaro naman, nagsalita na ang mga tao, pero ikaw, kahit nagsasalita na ako ngayon, nandito lang ako.

Siya ang nag-aassure sa akin na kung may kailangan ka, tumawag ka lang at nandito ang partido. Kasi diba ako iyong bago sa partido.

Napakabait na tao, napakamaalalahanin. Sabi niya, ayokong gumawa ng statement na hindi kita kinokonsulta. Pinakita niya sa akin kung mayroon akong suggestion sa sasabihin niya. Sabi ko ok na ok na ang pinrepare mo.

Mahusay na mahusay siya para sa akin.

Q: Ma’am iyong sinabi po ninyo na you’ll continue to be supportive of the President, in this case it’s gonna be Mayor Duterte, where do you draw the line? Alam po natin na mayroon si Mayor Duterte na  mga human rights violation or mga allegations ng extra judicial killings, ano po ang masasabi niyo rito?

Cong. Leni: Ako naman po hindi naman ako compromising pagdating doon. Ibibigay ko ang buong suporta ko pero ito iyong suporta na hindi nag-eextend sa mga bagay na hindi naaayon sa batas.

Kahit siya iyong  aking pangulo, kapag mali po ang ginagawa, hindi naman po ako mag-totolerate.  I think I have proven this many many times.

Kahit po iyong kabahagi na ako ng partido, hindi naman lahat ng oras na sang ayon ako sa mga pananaw at very freely, naeexpress ko ang pakiramdam ko at ako ay nagpapasalamat naman na sa lahat ng oras, binigyan ng respeto ang aking pananaw sa mga bagay.

Q: Ma’am are you ready if Sen. Marcos, kung mag electoral protest siya ready ba kayo?

Cong. Leni: Oo naman. Pag pumapasok tayo sa ganitong laban, handa naman tayo for every eventuality. Ako nga, kahapon binibiro ko iyong isang kasama namin habang nasa Naga ako.

Sabi ko, bakit ba napapansin ko na yata na iyong lahat nang nangyayari sa akin kailangan ko muna paghirapan ng grabe bago ko makamtan?

Iyong pagiging abogado ko, iyong pagiging biyuda ko, iyong pagpanalo ko ng congressman, tapos ito naman.

Parang nothing is really handed to me on a single platter, talagang dapat pagdusahan muna.

Comments(19)

  • Celestino
    May 10, 2016, 6:17 pm  Reply

    Please win na Leni so I can feel safe as I sleep.

  • Marcos p. gomez
    May 11, 2016, 6:26 am  Reply

    Congratulations Vice president LENI ROBREDO. D2 LANG PO KAMI SA LIKOD NINYO MADAM LENI. GOD BLESS YOU ALWAYS <3

  • mel l. cruz
    May 11, 2016, 6:35 am  Reply

    Ms Leni, mas na mava value mo ang anumang bagay na pinaghirapan mo. Kapit lang. Pag nasa iyo ang katotohanan, walang force ang makakabuwag nun.

  • ricardo fajardo
    May 11, 2016, 6:52 am  Reply

    congratulations po madam leni!!! whether you make it or not..you are far better than the known and rich politicians of our country..my prayers..and support..moving forward…

  • LARRY MANDANI
    May 11, 2016, 6:58 am  Reply

    MAM LENI EVENTUALLY ,SOONER OR LATER KAYO PO ANG MAGTATAGUMPAY ,MAY GIGANTIC EFFORT KAYONG GINAWA SA PAGKAMPANYA SA ELECTION NA ITO KAYA DESERVE NINYO NA MANALO. HUWAG NG PANSININ ANG MGA PILIPINO NA MAY CRAB MENTALITY.TULAD NG SABI NYO SA BANDANG HULI ANG TAMA ANG MAGWAWAGI LABAN SA MALI .

  • Vivian ferolino
    May 11, 2016, 7:02 am  Reply

    Congratulations ma’am leni…mabuhay ang kababaihan…we are so very proud of you…robredo is our vp!

  • maria tereza s, coral
    May 11, 2016, 7:14 am  Reply

    Just carry on and god be with you!!!

  • George yusingcom
    May 11, 2016, 7:32 am  Reply

    Ma’am Leni,
    We have been praying and rooting for you ever since you accepted the nomination to run as Mar’s vP. We admire your humility, courage, determination, snd level-headedness.
    May God bless you always. May Mama Mary keep you under the mantle of her maternal protectIon.
    George and family

  • Rizalina C.laBanda
    May 11, 2016, 7:39 am  Reply

    God Bless you always leni! We are always praying for you! You will Overcome all criticisms for the trUth is with you! All your sacrifices will be glorified!

  • TERESA SCHULTZ-FRIESE
    May 11, 2016, 7:48 am  Reply

    Very well said VICE-PRESIDENT LENI ROBREDO, I CAN’T SAY ANYTHING MORE ABOUT YOU AND I GUESS IT WAS REALLY MEANT THAT GOD HAS INSTALLED YOU IN THE POSITION AND BECOME VICE-PRESIDENT. TO GUIDE THE REIGNED PRESIDENT IN HIS WRONG DOINGS IF IT’S SO. WE THE FILIPINO PEOPLE NOW PUT OUR HANDS IN YOU TO CONTINUE THE WORK WHICH ARE NOT COMPLETELY DONE YET. BECAUSE WE BELIEVE IN YOU AS AN HONEST FILIPINO.

  • wilfredo santos halili
    May 11, 2016, 8:13 am  Reply

    Alam mahal na bise presidente para sa kapakanan nang sambsysnsn pilipino ang hagad at nais mo saludo ako sayo…pagpatuloy nyo ang iyong magandang nasimulan…God bless po…mabuhay pilipinas!

  • Armando viray
    May 11, 2016, 12:14 pm  Reply

    Do all the best viCe president Leni….God bless u always

  • Mercedita Supetran
    May 11, 2016, 12:59 pm  Reply

    I admire your strength and courage in this battle and for sure, you will be the winner because of your honesty, transparency, and inner beauty. You will climb the steep mountains with integrity and may our lord protect and save you from those people who tried to ruin your good name. win or lose, you will always be the great leni who inspires us. Mabuhay kayo madam !!!

  • nelie buenconsejo conte
    May 11, 2016, 1:47 pm  Reply

    All i can say to you Cong.Leni..you’ re such a smart and witty..Ang taba po ng utak nyo mam.the way you express your ideas really shine your smartness.I made the right choice when i vote for you Mam…

  • sr. Maria cHiara Evangelista, OSB
    May 11, 2016, 2:35 pm  Reply

    VERY WELL SAID mA’AM lENI, CHEATING IS JUST IN THE MIND OF THE CHEATER, IF YOU KNOW THAT YOU ARE FAIR, YOU CAN STAND IN FRONT OF ALL pILIPINO PEOPLE WITH HIGH HEAD, NOT PROUD OR BOASTFUL BUT WITH DIGNITY AND HUMILITY..

  • Nep
    May 11, 2016, 4:37 pm  Reply

    God bless you mam leni🙏🏻

  • Mila Gementiza- philippines
    May 11, 2016, 6:39 pm  Reply

    We our Family salute you in every decision you make, sa mga paliwanag nababanaag po namin Sa inyo ang pagiging isang mabuting tagapag lingkod ng isang Bansa na Ang problema ay talamak na, Ang aming maibibigay o maitutulong pO sa inyo at sa inyong Pamilya ay Lagi kayong kasama sa aming mga Panalangin . MABUHAY po Kayo at god always be wiTh you!!!

  • Soledad a.Marcellana
    May 11, 2016, 10:55 pm  Reply

    She’s Really Beautiful inSide and out,wala ako masabi mapagkakatiwalaan talaga,importante sinseridad lagi ko yun natatanaw sa pagkatao nya,

  • Aurea Ruiz
    May 12, 2016, 4:00 am  Reply

    Xxtama kayo mrs. Leni Robredo, sa tapat na layunin nyo sa bayan maraming paghihirap na haharapin. Ngunit ang paghihirap na iyan ay may katapat na gloria mula sa itaas. Saludo ako sa iyo. Pagpalain kayo ng poong maykapal. I lighted my CaNdles in my Altar & PRAYED ON MAY 8 up to now for your victory.🙏🙏🙏😇😇😇😍😘

Leave a Comment