Loading...
Loading...

Leni sa Sinasabing Dayaan: Kung Ganoon Marami ang Nadaya

Excerpts of Interview at Unang Hirit

 On the Social Media Trolls

Kung i-vilify ako ngayon sa social media, grabe pero hindi ko na lang pinapansin. Ito naman siguro ang mabuti. Wala naman tayong kasalanan, wala tayong ginagawang masama. Papalampasin na lang. Hindi pa nila ginagawa, pinapatawad ko na sila.

Mas malaki ang responsibilidad na kailangan nating harapin kaysa makipag-away sa social media.

On the Marcos Accusations

Palagay ko, hindi kami ang dapat ang sumagot niyan dahil wala kaming access sa server. Pero nababasa ko iyong mga reaksyon ng eksperto sa eleksiyon, mga IT experts, nagsasabi sila na parang napakahirap gawin iyon kung isang kandidato iyong ang makikinabang.

Parang ang sinasabi nila, pag pinakialaman ang programa, ang integrity ng buong results apektado. Gustong sabihin parang, hindi lang isang kandidato ang nadaya kundi napakarami dahil sa napakaraming posisyon ang kasali sa iisa lang na SD card.

Hindi ko masyadong naiintindihan dahil hindi ako mahusay sa computer kaya siguro dapat ipaliwanag sa atin ng Comelec. Ako, naghihintay din ako ng paliwanag ng Comelec kasi gusto ko ring maliwanagan.

Ang klaro lang sa akin, wala kaming ginagawang masama. Hindi kami party sa kahit ano. Kung ano ang accusations nila, kailangan nilang i-substantiate.

Kasi unfair sa napakaraming tao na sumisigaw sila na mayroong pandaraya, mayroong fraud na wala silang ebidensiya, walang basehan. Mina-mind condition lang nila ang tao.

Sa akin, kung may reklamo, ipadala sa nanunungkulan bago sabihing may pandaraya. Kasi unfair iyon sa akin at unfair sa lahat ng tumutulong sa akin.

On the Foreign Donations in 2013

Napakatagal nang kaso iyan. Nasagot na iyan ng mga nagbigay ng donasyon na mga Pilipinong may dual citizen. Iyong sa amin, nakailang mosyon na kami sa Comelec tatlong taon na ang nakakaraan, na iyan na resolbahan na nila, hanggang ngayon, hindi pa nila nireresolba.

Ang kalaban kasi namin doon sa amin, si dating Cong. Villafuerte, kapag siya ang kalaban, kahit iyong asawa ko, talagang ang taktika niya inuulan kami ng kaso.

Iyong asawa ko nagkandidato 1988 hanggang 2007. Mula noong pag-umpisa niya pagkandidato hanggang 2007, kinasuhan siya ng kinasuhan. Dumating ang panahon na ang kaso niya 76 lahat. May mga kaso na namatay na ang asawa ko, hindi pa nare-resolve.

May mga kalaban talaga sa pulitika na hindi tumatanggap ng pagkatalo. Bawat pagkatalo sa eleksiyon, inuulan kami ng kaso. Iyong mga tao sa amin, alam na alam na ito kaya hindi na pinapansin sa amin.

Ang sa amin lang, ang Comelec sana resolbahan na. Makikita iyan sa datos na napakarami na naming na-file na motion to resolve sa Comelec, pero hindi pa inaaksiyunan.

Alam namin na gagamitin iyan sa susunod na eleksiyon.

Comments(16)

  • Maria josefina fajardo
    May 12, 2016, 10:36 am  Reply

    This is one thing i really admire with Leny… She explains her side with modesty and sincerity despite the bad mouthe accusations thrown into her camp… U continuesly proves the worthiness of our vote !!!!

  • Benito Balagtas bulanan
    May 12, 2016, 10:37 am  Reply

    Hindi pa nga nakaupo si bbm kung makadikta na wagas!!! tuloy ang laban madam leni hindi ako taga bicol pero sa buong buhay ko ngayon lang ako humanga sa isang pulitiko at yun ay sa katauhan mo, god bless po!!

  • rodel b. meriballes
    May 12, 2016, 11:10 am  Reply

    Mga paninira lang yan vp leni dhl alam nila na totoo at di tayo ng daya sa laban nato marami kaming mga pilipino na umasa sa maganda mung planu para sa amin kaya kht anung lban naka suporta kami sayo vp leni mbuhay ka…

  • May 12, 2016, 1:41 pm  Reply

    Comelec already explained what it was: as carried in the news, it was the usual problem of the “enye” (or simply “n”) character not displaying properly. But the guy who made the change did not care to explain it to the watchers.

  • Abigael miranda
    May 12, 2016, 2:06 pm  Reply

    We are all behind you! Kapit lang! You are my vp and i belIeve in you!

  • larry cristobal
    May 12, 2016, 4:08 pm  Reply

    Mam, naniniwala po kami sa sincerity mong tumulong. It shows in your very eyes how you wish you could reach out more people especially those marginalized one. So for us and for our group of ofw who believed ony you, whatever may happens, you are the best leader to every filipinos.

  • May bersabal
    May 12, 2016, 7:49 pm  Reply

    sabi q nga sa mga comments q for all we know yang mga plan b, c , d, e, f , g – to z, emanate from d marcos camp bec d MARCOSES have mastered d art of manipulation, kung di pa xa EÑINDORSO ng ink kayang kaya pala xang talunin ng isang LENi robredo.

  • Julius Rodriguez
    May 12, 2016, 8:40 pm  Reply

    Ma’am walang bibitaw kaya natin to para SA mga disenteng Tao kayo Na lang po ang NATITIRA. Malapit Na natin makamit ang tagumpay subalit alam natin maraming masasamang elemento ang gusto kayong pabagsakin. KAPIT PA PO walang bibitaw walang iwanan…god BLESS PO kayo at yun mga anak nyo Na matapang at nanindigan para SA mga #disentengpilipino…tuloy ang Laban #LeniVP

  • Jojo
    May 12, 2016, 11:53 pm  Reply

    Just dont go down at their level. we believe in you!!!

  • antpnia gobenciong
    May 13, 2016, 12:26 am  Reply

    well said ng isang tunay na marangal na tao. tularan po natin siya.

  • francis allan l atienza
    May 13, 2016, 1:48 am  Reply

    d ka po nagiisa mas marami po angt nakakalam n kayo po ang nahalal na bise presidente pray lang po at matatapos din po lahat ang diyos po ay nasapanig ng katotohanan

  • May 13, 2016, 2:59 am  Reply

    to: our vp elect

    congratulations for your win. if ever you can do something can we have a separate department for public order and safety. the police force should be detached from the lgu’s so that someone can police the police. Dilg can function better in the way it manages the lgu’s. hindi sila dapat nagkakatakipan sa mga pangyayari sa isang komunidad.

  • Arlene
    May 13, 2016, 3:01 am  Reply

    Mam leni marami po kaming sumusuporta sa inyo. Tuloy lang po ang laban. We will never believe any accusation ng pandaraya kasi alam naman po namin sino ang may kapasidad na mandaya. Alam po namin na pareho ng aming binoto na pres mar roxas, disente din po kayo at may napakalinis na hangarin sa bayan. Tuloy lang po ang laban. God bless you po.

  • Reynaldo gamban
    May 14, 2016, 9:19 am  Reply

    Naniniwala kami ma’m leni robredo na ikaw ang mananalo,at nararapat na manalo,dahil kita namin ang iyong sinseridad na makatulong sa bansa natin,god bless po

  • Mylene nacino
    May 14, 2016, 2:32 pm  Reply

    We are here for you maam leni be strong for the sake of our countRy! God bless you more!

  • BertCruz Aguilar
    May 15, 2016, 5:44 am  Reply

    Naniniwala po kami na kayo ang tunay na nagwagi bilang pangalawang pangulo, Kahit anupaman ang sabihin ng mga kalaban, huwag po kayong masisiraan ng loob, dahil kakampi nyo ang mga mamamayan, nasa inyo po ang aming panalangin na sana ay matapos na ang bilangan ng maka panumpa na po kayo bilang halal na Bise Presidente ng bansang Pilipinas. mabuhay po kayo at nawa ay gabayan kayo ng poong maykapal.

Leave a Comment