Loading...
Loading...

Message at the Astoria-Palawan Community Enhancement and Partnership Program Event

Office of the Vice President
12 August 2017
Astoria-Palawan Community Enhancement & Partnership Program, JobStart Life Skills Training Graduation
Puerto Prinsesa, Palawan, 11 August 2017
 
 
Mr. and Mrs. Jeffrey Ng; Mr. Bernardo Topacio, DOLE Palawan Field Officer; Ms. Jacqueline Lam, ADB Project Lead; Mr. Ronnie Alarcio, Astoria HR Director; Mr. Rene Baylon, Tourism Operations Officer; Mr. Roy Bero, IP Representative; Mr. Joets Buenconsejo, Astoria Palawan Community Organizer; Konsehal Nestor Saavedra; Mr. Demetrio Lopez Jr., Manager of City PESO (Public Employment Service Officer); members and officers of Community-Based Sustainable Tourism (CBST) communities; barangay captains, chieftains, JobStarters: Magandang hapon po sa lahat.
 
First of all, I would like to thank Astoria-Palawan for inviting me over to a very important occasion. Kanina pinapakinggan ko, parang nakakaiyak pakinggan. Dalawa lang ang nagsalita; sana nagsalita lahat.
 
This morning, we launched a program in Puerto Princesa called “Istorya ng Pag-asa.” This is a program where we are featuring stories of hope; stories of ordinary Filipinos who have gone through tremendous struggles and triumphed in the end.
 
Kanina pong umaga, mayroong nandoon na PWD. Galing rin po siyang Bicol, pero lumipat dito sa Palawan. Nag-aral siya at natutong gumawa ng mga makina. Ngayon, gumagawa na siya ng mga wheelchair para sa mga PWDs din. Walo ang kaniyang anak; napatapos na lima, tatlo na lang ang hindi.
 
Ang isa naman doon, si Rogelio, member of an indigenous people’s tribe, who is also an agri-entrepreneur. Nag-aral rin, at maraming siyang mga pagsubok na pinagdaanan, pero ngayon, siya na ang nagpo-provide ng employment sa community. Mayroon na siyang demonstration farm at malaking lupain, at doon na nakikitanim ang mga fellow IPs niya.
 
Ngayon po, interesado rin akong malaman ang kuwento ng bawat isa. Kaya malapit sa aking puso ang mga IP—kaya tinatanong kita, sir, kung requirement ba na miyembro ng IP community. Before I joined politics, I was a human rights lawyer, and one of the sectors that we have been helping were the indigenous peoples in Bicol. Ito talaga ang pinaka mahihirap. Kulang ang access sa education at sa health. Kanina pinapakinggan ko ang presentation ni Loy, at nakita natin na pati ang access sa high school, mahirap. And if we do not facilitate their access to the most basic services, walang kapital. Ang gusto kong sabihin: Papaano uusad? Ito, parang intergenerational ang paghihirap, kasi hindi nabibigyan ng pagkakataon.
 
That is why this program of DOLE, ADB and Astoria, was launched at a very opportune time, not only for everyone of us, but also for the Office of the Vice President. Kasi alam niyo po, nakaisang taon na kami sa panunungkulan, at—alam ito ng aking mga kaklase—linggo-linggo, bumababa talaga kami sa pinaka mahihirap na communities. In fact, in Palawan, we have chosen to adopt two communities: Agutaya tsaka Culion.
 
Ang Culion, mas madaling maabot kasi mag-e-eroplano ka papuntang Busuanga, tapos less than an hour drive from there, nandoon ka na sa Culion. Pero ang Agutaya, mag-e-eroplano ka papuntang Busuanga, lilipat ka pa ng Coron, and from Coron, it’s a 10 hour boat ride. Walang kuryente doon. Pagpunta namin, ‘yong only school nila, sira pa noong Yolanda pa. Hindi pa naaayos. Walang high school, wala lahat. Ang nearest na medical facility nila is 10 hours away. Talagang hirap na hirap.
 
So noong nakita namin ito, we have been extending help to many communities already. Kapag bumabagyo, papadalhan namin ng mga pagkain, shelter repair kits, etcetera. Pero you know, the underlying reason why they become victims over and over again is because of poverty. And the best way we can help them is hindi ‘yong panandaliang tulong, kundi ‘yong tulong na sustainable. ‘Yong tulong na kahit wala na tayo, mabubuhay pa rin sila.
 
Itong tulong na ito ng Astoria, DOLE at ADB is really a life changing help. Kapag nagtapos kayo, sana hindi ninyo sayangin ang tulong na binigay sa inyo. Kapag nagtapos, you have finished the first phase of your training already. Papunta na kayo sa inyong 45-day na second phase. Sabi ni Sir, 53 kayo na nag-start, pero 40 lang ang natapos sa first phase. Sana pagkatapos ninyo ng second phase, 40 pa rin kayo. Kasi bihira ang pagkakataon na ibinibigay sa inyo.
 
At ito, hindi lamang ito para sa inyo. Para ito sa mga magiging anak ninyo, para ito sa magulang ninyo. Marahil, mahirap ngayon, pero kapag pinakinabangan ninyo ang tulong na binigay sa inyo, babaguhin ninyo ang daloy ng buhay para sa buong pamilya.
 
Kaya sana ito ang isipin natin, na hindi ipapawalang bahala ang tulong na bibigay natin. Bagkus, dahil tayo ay natulungan, we also make it a point to pay it forward. Kung ano ang tulong sa atin, siguruhin rin natin na itutulong rin natin ito sa iba, kasi ito ang magbabago ng buhay ng mga kasamahan natin.
 
As I was saying, I work very closely with the indigenous peoples community for a long time, kaya noong naging Secretary of the Interior and Local Government ang asawa ko, one of the very first department orders that he gave was the mandatory representation of IPs in the local councils. Kaya mayroon tayong IP representative sa loob ng council dahil doon sa department order na ‘yon.
 
Bakit mahalaga na mayroong IP representative? Para nabibigyan natin sila ng boses. Kasi for a very long time, ‘yong mga namumuno, nagsasabi na ito ang kailangan ninyo, ‘yon pala hindi naman. Pero kung manggagaling mismo sa kanila at sasabihing ganitong klaseng tulong ang kailangan nila, siguradong ang tulong ng gobyerno ay hindi sayang kasi ‘yon ang eksaktong tulong na pangangailangan.
 
Dahil sa aming pagbaba, nakikita namin na ang pinaka sustainable talaga na tulong ay trabaho. Whether livelihood opportunities or opportunities for employment, ‘yon talaga ang sustainable. And over the past month or so, that’s what we have been working on. Last July, we endorsed ten interns to Astoria Plaza. They were granted a full scholarship of 208 internship hours, and gagraduate na nga po sila, if I’m not mistaken. Pagkatapos po noon, they will be good for life, basta hindi lang nila sayangin ang binigay sa kanilang tulong.
 
The same with you. Kapag hindi ninyo sinayang ang tulong na binigay sa inyo, mababago rin ang buhay ninyo. Last week, may kausap kaming mga maning agencies, ‘yong mga nagrerecruit ng mga sea men dito sa atin. Kinausap namin na makipag-link na sa mga senior high schools para ‘yong mga hindi na kayang magkolehiyo, may opportunity ring makapagtrabaho later on.
 
Also, last week, we also sponsored a meeting between our office and big construction companies. Tinatanong namin, paano ba kami matutulungan na maraming empleyadong maipapasok. Naririnig natin ngayon na gusto ng gobyerno natin na mag-“Build, Build, Build,” so may expectation tayong ma-e-enhance ang infrastructure programs. Nakipag-usap tayo sa kanila para malaman kung paano tayo makakatulong.
 
Ito kasi, kapag inayos ang partnership between the government and the private sector and the communities, hindi malayong ma-resolve ang maraming problema.
 
One example of this is Batanes. Ang Batanes before has one of the highest incidences of out of school youth. Two years ago, 2015, nag-decide ang gobyerno sa Batanes na solusyunan ito. Nakipag-meeting sila with private corporations, government and the communities—at the end of 2015, ang kanilang out of school youth, zero na. Talagang kailangan lang desisyunan.
 
I was so happy when I was listening to the community-based sustainable tourism programs of the city government, because ‘yon talaga ang gusto natin. Maganda ang mga napakalalaking tourism projects, pero no matter how beautiful they are, if they do not translate to better lives for the least of our kababayans, wala rin. Pero ‘yong napapakinggan natin, nakikinabang, kahit mga simpleng programa nakikinabang ang mga communities, ‘yon ang gusto natin. ‘Yon ang hinahanap natin.
 
So, again, I address this to the graduates. Unang-una, congratulations sa pagpupursige. For finishing the first phase of your training. Kung makakabalik man ako sa second phase, sana hindi kayo mabawasan. Sana pahalagahan, sana hindi sayangin. Sana ma-realize natin na kung gagamitin lang natin ito sa tama, malaking tulong ito sa pagbabago ng buhay ng ating mga pamilya.
 
Again, to DOLE, to ADB, to Astoria, and the City Government of Palawan: maraming maraming salamat sa paglunsad ng programang ito.

Comments(0)

    Leave a Comment