Loading...
Loading...

Open Forum with Students at UPLB

21 April 2017

Q: Ano po ang opinion niyo po sa actualization ng General Agrarian Reform in the face of perhaps a highly militarized yung mga communities natin and yung question of pagtatangal doon sa contractualization which perhaps one of yung mga isang pinag-usapan noong panahon pa ng eleksyon period, do you think those are possible?

VP Leni: Thank you, Anna. Yung sa first na tanong kung sang-ayon ako sa General Agrarian Reform, sang-ayon ako. In fact, when I was still in Congress I was author of a bill to actually form an Agrarian Reform Commission to look into yung mga corruption na nangyari before.

Kasi yung essence ng Agrarian Reform nandiyan. Maraming naging problema sa implementation. Maraming mga circumvention na nangyari, maraming mga kamalian ng pamahalaan nakabahagi or circumvention. Palagay ko marami pang kulang sa implementasyon.

Marami pang hindi nabibigyan ng mga lupa pero yung ito kasi yung obligation ng pamahalaan ay hindi natatapos sa bagbigay na lupa. Maraming mga binigyan ng lupa na hindi successful.

Dahil hindi binigyan ng access to support services. Dapat ang pagtulong ng gobyerno buo sa kanyang loob mapabuti talaga ang kalagayn ng ating mga magsasaka ay pagbigyan ng lupa bigyan din siya ng access to capital, bigyan siya ng access to farm implements, bigyan siya ng access to yung inputs na hindi siya nangyari in the past.

So yung ating pagnanais na matuloy yung kung ano nandiyan. In fact, nandoon kami sa pagsuporta ng extension, yung extension sa pagbigay ng mga lupain noon. Pakiramdaman namin basta iyong implemention maayos malaking maitutulong sa mga ating magsasaka.

Iyon second part of the question yung contractualization, I think you are very well aware that the Department of Labor has issued a new Executive Order para sagutin iyong problema sa contractualization. Palagay natin it is an important extent pero kulang pa din. Hindi pa niya buo na nasasagot yung lahat ng problema sa contractualization.

Palagay natin kailangan sana more specific yung Executive Order. More specific in the sense na siguro makakatulong sana sa implementation na magbigay siya ng mga examples ng contractualization.

Kasi maraming palusot, marami pa rin palusot sa pag-implement nito. If you can recall, before this latest Executive Order, noong panahon ni President Aquino, nilabas din ang Executive Order 18.

Pero kahit mayroon ng Executive Order 18, hindi pa din naging klaro ang implementation at marami puwedeng palusot na nangayayari. Mayroon daw bagong Executive Order, iyong aming pagnanais sa bagong Executive Order nag-set na ng limits sa capitalization.

Ang pagnanais natin mas maging maayos ang implementasyon pero nakita lang namin kulang sa Executive Order yung mga examples ng contractualization para sana hindi bigyan ng maraming elbow room for interpretation.

Q: First question po, regarding po sa Kadamay po if you are still the head of the HUDCC, what is the designated plan of action that you would do? Second question po amid all the bashing that you received in social media ano po iyong coping mechanisms ninyo in dealing with the bashers?

VP Leni: Ano yung second question? Yung Kadamay muna, parang iyong nangyari doon sa Kadamay, it was a problem that was waiting to happen.

When I was still in HUDCC, bumuo kami ng isang technical working group. Kasi noong ako ang nag-inspect, napakaraming AFP-PNP housing tsaka iba pang mga housing projects na nandiyan iyong bahay pero walang nakatira.

Dalawa yung dahilan kung bakit walang nakatira. Yung isa, hindi satisfied yung AFP PNP beneficiaries sa design ng bahay kasi masyado daw maliit yung bahay. Meron na akong proposal na noon na hindi pa, it was not yet acted upon, my proposal there was either ayusin yung design ng bahay, nai-merge two units ang ayusin or ibigay na lang sa mahihirap yung mga existing bahay and gumawa na lang ng bago for AFP PNP but what I left was it was not yet acted upon. Iyong yung unang dahilan.

Pangalawa, ito iyong dahilan din kong bakit I am banking for in-city and on-site relocation. Kasi grabe yung pangngangailangan ng pabahay sa loob ng Metro Manila.

Pero ang solusyon na binibigay ng gobyerno ay itatapon sila sa labas ng Metro Manila. Ilalayo sila sa kanilang mga trabaho. Ang tatapunan sa kanilang ang walang trabaho, malayo sa public transportation, most of the time walang kuryente, walang tubig.

So gagastos yung gobyerno nang malaki sa pagbabahay pero yung mga beneficiaries hindi naman kuntento. So paminsan kung kukunin nila as investment pero babalik din sila sa Manila as informal settlers ulit.

Ito yung pinakamalaking nakita kong kahirapan sa programa natin sa pabahay. Parang mali kasi yung naging metrics. Bali iyong metrics kinoconsider ng accomplishment dahil lang yung gobyerno nakapagtayo ng pabahay. Sabi ko, hindi dapat iyon ang metrics because it is just an activity.

Dapat iyong goal yung pagkatayo mo ba ng bahay na-improve mo ba yung buhay ng mga mahihirap?

Kasi kung hindi mo naman na-improve yung mga buhay ng mahihirap, nagsayang ka ng pera. So my proposal then was to change the metrics already. Nag-propropose nga ako noon ng moratorium on relocation.

Kasi you relocate and you relocate and you spend so much money hindi naman in-oocupy ang mga bahay dahil malayo sa trabaho. Bumabalik din sila para sa kabuhayan sa Manila.

So yung proposal ko sana bakit hindi na lang tayo gumastos sa mga maaayos na mid-rise na mga buildings. Pero on-site or in-city, malapit pa din sa mga pinagtatrabahuhan. In fact in HUDCC, you already have an inventory of all government properties in Metro Manila which can be used for HUDCC.

Iyong pangalawa, iyong all on the bashing sa social media. Iyong sa akin kasi kinukwento ko kanina linggo-linggo bumababa kami sa pinakamahihirap na communities.

Pag bumababa kami, naririnig mo iyong mga kuwento noong mga mahihirap, iyong mga kausap mo wala naman kaalam-alam sa nangyayari sa Facebook. Wala silang pakialam kung ano iyong pinag-aawayan sa Facebook kasi ang pakialam nila ay iyong kanilang kakainin sa araw- araw.

Parang kapag nakakausap mo sila, iyong bashing doesn’t matter anymore. Parang ito iyong mas importante. Bakit ito ang aasikasuhin mo?

Of course that is not to say na, hindi importante iyong lahat ng bashings, kasi meron namang criticisms na constructive, na I think kaming mga public officials should still be in touch with this.

Pero halimbawa iyong sa akin, parang 100 percent yata kasinungalingan. So bakit ko siya pag-aaksayahan ng panahon, kung mayroong mga tao doon sa Agutaya, mayroon doon sa Siayan, mayroon sa Kauswagan na walang ibang aasahan kundi tayo. Iyon na lang iyong asikasuhin natin.

Q: I have two questions po. What can you say about Ferdinand Marcos Jr’s eagerness in winning his electoral protest that he is even willing to pay millions in support to. My number two question is, given your strong opposition to Duterte’s war on drugs, what is your counter proposal to solve this problem?

VP LENI: Iyong isa, parang medyo nag-aalangan ako to take this up kasi kami magkalaban doon. Pero ang akin lang, actually one of the reasons kung bakit nakumbinsi akong tumakbo.

It was also because of an impending Marcos return. Ito na iyong matagal na pinaglaban. Ito iyong political awakening ko noong ako ay college pa at ngayon nabibigyan tayo ng pagkakataon na harangan na makabalik.

Ang akin lang nakakalungkot na marami pang kautangan sa bayan, na hindi pa nababayaran. At iyong kautangan na iyon, iyon din ang ginagamit para makabalik sa kapangyarihan. Iyon iyong para sa akin nakakalungkot.

Tapos na iyong eleksyon, feeling ko alam naman niya na hindi siya nanalo. Feeling ko alam niya naman iyon. Pero iyong desire na makabalik sa kapangyahiran, iyon iyong nakakatakot.

Kaming mas matatanda sa inyo, pinagdaanan naming iyang mga panahon, na maraming mga karapatang pantao ang natapakan in the name of power and wealth.

Ako, I’m sure na marami sa mga nakaranas ng madidilim na panahon na iyon, ayaw na iyon balikan. Walang sinabi, siyempre walang sinabi ang kakayahan at karapatan na, parang, kakayahan na, with resources na pigilan siya.

Pero iyong sa akin kahit hindi pantay, kahit hindi pantay iyong aming pinanggagalingan ay gagawin ko ang lahat para siguraduhin na hindi siya makakabalik. Siyempre wala akong masabi, itong gulo sa social media, kabahagi ito ng pagkatalo noong eleksyon.

Siguro I’m sure you are well aware na maraming nangyayari ngayon sa social media na hindi naman totoong tao, ano na ito, mayroon machine, na nangyayari dahil pa din sa pag gamit ng pera.

Tingin ko hanggang may tapang lumaban, hanggang may malakas pa ang loob na labanan ang pagbabalik sa kapangyahiran, hindi imposible. Kaya ako naman, I’m keeping my hopes on people who have enough conviction, who have enough courage to fight for, for whatever is right.

Ngayon kasi parang it’s always a question of doon ka ba sa mas popular or doon ka ba sa tama. Kung sa akin kahit siguro kakaunti iyong kakampi basta meron taong naglalakas ng loob na lumaban kailangan pa din tayo.

Doon sa pangalawa, I’ve always been very open to the fact that I support, and I support the war against drugs in the sense that, tinatanggap naman natin lahat kung gaano kalaki nga ang problema pagdating sa droga.

Feeling ko ang hindi lang pinagkakasunduan, ay iyong manner. Iyong mga paraan kung paano ito gawin. Ako kasi naniniwala ako na marami pa ding mas maayos na paraan para gawin ito.

Kahit pag-aralan nalang natin iyong nangyari sa kampanya laban sa droga sa buong mundo. Makikita natin na iyong mga bansa na gumamit ng dahas sa pakikipaglaban sa droga ay hindi naging matagumpay.

Venezuela, Columbia, Mexico, ito iyong mga madadahas ang fight nila, ang laban kung laban parang sa atin. Maraming mga buhay na nawala pero hindi sila naging successful, sino ba ang naging successful?

Ang isa dito ay Portugal, ano ba iyong ginawa ng Portugal? Iyong Portugal iyong kanyang pamamaraan sa pag sugpo ay peaceful at maayos. Inayos na iyong kanyang mga batas, ini-strengthen niya ang kanilang rehabilitation, inayos iyong institutions na nagtutulong para ma rehabilitate, naging triumphant sila.

Iyong sa akin naman na proposal, bakit hindi natin tignan iyong best practices. Bakit hindi natin tignan iyong mga best practices at subukan natin, kasi you have enough lessons in the past from other countries, kung what works and what doesn’t.

Kaya, iyong sa akin, ipinu-push ko sana mas malaking programa sa rehabilitation, lalo na iyong community rehabilitation. Halimbawa iyong report ng DOH, I requested for a briefing, sa dinami-dami ng mga nag-surrender, less than 10 percent ang illegible for institutional rehabilitation.

Gustong sabihin, karamihan sa mga nag-surrender hindi naman drug dependents, pero karamihan sa mga nag-surrender ay occasional drug users. So bakit hindi tayo gumawa ng programa?

Pag pumasok tayo sa mga jails natin, ang mga jails natin punong-puno, kahit iyong mga steps sa mga stairs, bawat step may dalawang natulog kasi punong puno na and more than half of them drug-related cases, pero walang maayos na rehabilitation program inside the jail.

So bakit hindi natin bigyan iyon nang maayos na atensyon, kaysa iyong patayan. Kasi iyong problema sa patayan hindi lang the fact that we violate ang human rights, pero maraming mga inosenteng nadadamay.

Q: Thank you po.

###

Comments(0)

    Leave a Comment