Loading...
Loading...

Speech at the Oath Taking in Marawi

7 July 2016

Governor Soraya Alonto-Adiong, Vice Governor Ruki Adiong, akin pong kaibigan, Congressman Tuti Adiong, Congressman Bolet Banal ng Quezon City, City Mayor Mahul Nandabra, bagong halal na city mayor ng Marawi, iyong Vice Mayor po natin at city councilors. Kay Judge Relinda Pabandayan, pareho po kaming miyembro ng federasyon ng Nasyonalya ugadas.

Nagkakilala na po kami ni Judge at ni Mayor dati pa, members of the ARMM Regional Legislative Assembly who are here this morning, the members of the Sangguniang Panlalawigan, the 39 municipal mayors of Lanao del Sur and their first ladies.

The 39 Vice Mayors of Lanao del Sur, the Municipal councillors of Lanao del Sur, sa inyo pong lahat, Sala malaykum wara mangani wara makato. Tama ba?

Sana tama iyong pagkasabi ko. Thank you very much for the team. It is really an honor to have been invited to such an important occasion for all of you. Your oath taking ceremony and the 57th araw ng Lanao del Sur.

Ako po, I was really excited when Congressman invited me over. Kasi sabi ko pagkakataon na ito for me to be able to thank you personally for the invaluable support that you have given me during the last election.

Marahil po alam naman ninyong lahat kung ano ang botong nakuha ko dito sa Lanao del Sur, napakarami ko pong ipinanalo dito kaya po maraming maraming salamat sa inyo.

I remember I was here about 2 months ago. Nandito po ako for the first time, nagbisita ako 2 months ago. I was entertained by Gov. Rovic and Congressman. Ang sabi po sa akin ni Gov. at ni Cong., “Ma’am basta nakapunta ka na dito nang personal mananalo ka po dito.”

Hindi niya po sinabi na mananalo ako nang malaki. Kaya bonus po sa akin na nanalo po ako nang napakalaki. Lalo na po kasi alam ninyo naman na mahigpit ang laban namin sa pagka-pangalawang pangulo.

Pero ang sa akin po, nabahala na sa akin, hindi lang po sa Lanao del Sur pero nang buong ARMM, dahil noong nabubuhay po ang asawa ko, lalong lalo na po noong kalihim siya ng DILG, hindi naman po yata lingid sa inyong kaalaman na madalas siya dito.

Madalas po siya kasi panay po ninyo, nanaginip ang asawa ko, na darating ang panahon na magkaka-ayos na lahat. Darating ang panahon na magkakaintindihan na lahat dahil iyon lang ang pagkakataon na makasulong tayo para sa kaunlaran.
Ngayon natuto po ako. With your elections, with the mandate that you got with the recent election sapagkat ang panalo po ng ating bagong halal na mayor ng Marawi, mas lumiwanag pa. Mas lumiwanag pa ang kinabukasan para sa Lanao del Sur.

Nagkukwento po kanina si, pasensiya ka na po Vice Governor, Governor pa rin ang sanay ako sa iyo.

Pero nagkakwentuhan kami kasi hindi ko napapanood iyong presentation. Sabi po ni Gov., talagang hopeful ang tao rito na tuloy tuloy na ang progreso na matagal ninyo nang ninanais dahil sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Aquino, napakaraming proyektong binahagi nito sa inyo.

At ngayon po wala tayong dahilan para hindi umasa dahil ang bago nating pangulo ay taga-Mindanao.

Palagay ko naman po hindi tayo pababayaan. Iyong benepisyong nakuha ng Lanao del Sur in the last 5 years, iyon pa rin ang aasahan natin sa susunod, kahit sa susunod na 3 taon na lang muna. Pero iyong challenge po siguro sa atin as local officials, kung papaano mama-maximize iyong dumadating sa atin.

Ngayon po nagkakasundo po iyong provincial officials, nagkakasunod iyong city officials at nagkakasundo iyong karamihan. Lahat sa mga municipal officials, wala pong dahilan dahil nananaginip na tayo ng sabay-sabay, nagtutulungan tayo. Wala pong dahilan para hindi natin makamtan kung ano ang mga ating ninanais.

Nandito po ang opisina ng pangalawang pangulo para umalalay sa inyo parati.
Hindi ko po kakalimutan kailanman na noong ako po ay nangangailangan, nandiyan kayo para tumulong sa akin.

Kaya asahan ninyo po na mas dadalas pa iyong aking pagbisita. Dadalas pa po ang aking pagbisita gaya po ng kasing dalas rin ng pagbisita ng asawa ko noong nabubuhay pa siya.

Kaya ngayong umaga po kahit umuulan sa labas, maliwanag na maliwanag po sa mga puso natin ngayong umaga na mayroon tayong dahilan para umasa at maging masaya dahil binigyan tayo ng pagkakataon na makapanilbihan muli, huwag po sana nating palagpasin ang pagkakataon na ito.

Kaya po congratulations sa ating lahat, maraming salamat po sa pagmamahal na binigay niyo po sa aming mag-asawa.

Susuklian po namin iyan ng isang klaseng panunungkulan na hindi niyo naman po ikakahiya. Hindi naman po kayo magsisisi na ako po ang inyong pinili.

Comments(1)

  • wenida m papandayan
    July 8, 2016, 2:26 am  Reply

    judge wenida papandayan, pareho po kaming miyembro ng federacion internacional de abogadas…

Leave a Comment