Loading...
Loading...

[Transcript] ABS-CBN Interview with Vice President Leni Robredo

8 November 2017
Philippine Air Force Headquarters
 
Q: Nagkaroon po ng briefing kanina, Ma’am?
 
VP LENI: Actually nag-request kami ng briefing dahil sa efforts namin sa Marawi. Very active kami sa relief; ngayon gusto naming maging active din sa rehabilitation. Since iyong AFP and DND, actively involved sa rehabilitation, nag-request kami ng briefing. Pero iyong briefing nila, very comprehensive—hindi lang Marawi iyong diniscuss, pero iyong general din na security details ng bansa natin ngayon. Na-discuss iyong West Philippine Sea. Na-discuss iyong threats, hindi lang galing sa Maute group, pati na din iyong ASG, iyong BIFF, iyong CPP-NPA. Tingin ko, ano naman, very, very comprehensive iyong briefing.
Pero tingin ko iyong isa sa pinakamahalaga doon sa briefing, in-assure tayo, in no uncertain terms, both ni Secretary Lorenzana saka ni AFP chief of staff Guerrero, na hindi sila susuporta sa revolutionary government at [sa] kahit anong threat sa ating Konstitusyon.
Tinanong ko sila, sabi ko, “Where does AFP stand dito sa lahat na usap-usapan doon sa revolutionary government?” Kasi medyo maugong ngayon.
In fact, kahapon mayroong in-organize sa Quezon Memorial Circle. Kahit halos walang pumunta, nagtatanong pa din tayo kasi may mga opisyal ng pamahalaan na involved sa usapin ng revolutionary government. Pero this afternoon, na-assure tayo, at madiin iyong assurance na ibinigay sa atin na hindi sila susuporta sa ganiyan[g mga plano].
 
Q: Iyong destabilization po? 
VP LENI: Iyong pinag-usapan iyong iba’t ibang klaseng destabilization threats. Iyon nga, threats galing sa mga extremist groups, threats galing sa CPP-NPA, sa mga criminal groups. Actually, marami. And ano sila, very transparent na kahit tapos na iyong Marawi, hindi pa natatapos iyong threat sa security natin. Although mas less na ngayon, considering na malaki iyong success na nagawa ng AFP sa Marawi, sa pag-neutralize sa mga nagbabanta sa ating seguridad. Pero sinasabi nila na patuloy, kaya patuloy pa din tayong nakabantay. 
 
Q: Thank you, VP!
 
– 30 –

Comments(0)

    Leave a Comment