Loading...
Loading...

[Transcript] Interview of VP Leni in Dumaguete

19 May 2017

Dumaguete City, Negros Oriental
18 May 2017

Q: Ano pong reason nang pagpunta ninyo ng Negros Oriental?

VP LENI: May mga partner communities kami dito sa Negros Oriental. Iyong Zamboanguita saka Manjuyod. Pupuntahan po namin siya bukas.

Pero today, nag-launch kami ng Istorya ng Pag-asa sa Siliman University. Bukas magla-launch din kami sa Manjuyod. Ito naman bahagi… Zamboanguita kasi, siya iyong isa sa mga first 50 na adopted communities ng mga opisina namin.

Q: Ano nakita ninyo sa mga, sa dito Ma’am?

VP LENI: Ano kasi iyon, mayroon siyang formula. Una, inaaral iyong pangangailangan. Dapat iyong pangangailangan niya medyo swak doon sa binibigay din ng aming partners. Ang pinakakonsepto kasi ng Angat Buhay, parang hinahanapan namin ng tutulong.

Kasi ang mga opisina namin wala naman siyang sariling pondo para sa projects, pero iyong mga nangangailangan na munisipyo, hinahanapan namin ng mga puwedeng mag-sponsor nga mga pangangailangan nila.

Kaya iyong Zamboanguita first time ko actually siyang bibisitahin bukas. Pero ang staff ko several times nang pumunta dito. Kaya bukas magkakaroon kami ng meeting with the local community, titingnan pa ano pa ang ibang pangangailangan at ano iyong, sino iyong partners na puwede naming dalhin dito.

Q: Ma’am may kinalaman po ba ito sa poverty incidence ng Negros Oriental?

VP LENI: Hindi namin kasi siya tiningnan on a per-province basis. Tiningnan namin on a per-municipality basis. Iyong Zamboanguita I think is a 4th class, o 5th class municipality? Fourth-class municipality.

Isa siya sa mga, iyong mga pangangailangan niya medyo, medyo aligned doon sa mga binibigay ng partners namin. Pero, iyong una kasi parang, parang ano pa lang, assessment pa lang ng pangangailangan. Bukas talaga iyong makikita namin kung ano pa. After the dialogue bukas.

Q: May pinaabot na problema sa housing, at saka mga lupain dito.

VP LENI: Oo. Actually po medyo marami-rami iyong nagpaabot ng problema sa housing. Karamihan po dito iyong mga nakatira sa mga dangers zones. Nakatira sa may ilog, nakatira sa, nakatira sa coastal communities.

Iyong kanina po iyong ni-raise ni Mayor, iyong mga mangingisda na hindi nila pag-aari ang lupa nila pero ayaw din nilang i-relocate sila sa malayo sa means of livelihood.

Nag-promise po ako sa kanila na imbitahin natin ang SHFC na pumunta dito, para tingnan kung ano iyong mga puwedeng magawa soonest possible time. Kasi ang problema, gaya po ng ni-raise ni Mayor sa kabila, mayroon na lang 2 months na binigay doon sa 60 families para patuloy na mag-stay doon sa tinitirhan nila.

Ang sabi ko po parang hindi natin kaya na 60 days, kasi maraming prosesong pagdadaanan. Pero titingnan po natin kung ano iyong, ano po iyong puwedeng maitulong ng SHFC.

Sinabi ko lang po na kailangan natin ang partnership din with the LGU. Iyong mga national government offices po, mas effective iyong tulong kung ang LGU din receptive sa pagtulong.

Q: Message po sa Negros Oriental, especially na nanalo kayo dito.

VP LENI: Gusto ko lang po magpasalamat sa, gusto ko lang pong magpasalamat sa mga taga-Negros Oriental. Malaki po ang panalo ko dito.

Kaya iyong pagpunta ko po dito ngayon parang opportunity din para personal pong mapaabot ko iyong aking pasasalamat.

###

Comments(0)

    Leave a Comment