Loading...
Loading...

[Transcript] Interview with Vice President Leni Robredo at Buhi Central School

Office of the Vice President
15 March 2018
Turnover of a two-classroom building for Buhi Central School
Buhi, Camarines Sur

Q: Reaction, Ma’am, doon sa pag-withdraw ng Philippines sa ICC (International Criminal Court)?

VP LENI: Ito, nakakabahala. Nakakabahala siya kasi kung titingnan natin, ano ba iyong ICC—isa itong convention na inumpisahan 1998 pa, kabahagi na iyong Pilipinas mula sa umpisa. At mahirap iyong pagpasa nito, pero ito iyong pinakamahalagang dokumento na sinasalihan ng maraming mga bansa para ibigay iyong commitment sa pag-uphold ng human rights. Tayo iyong 117th na signatory nito. Tayo iyong pangalawa na bansa dito sa Asia na naging signatory. Mahalaga iyong implications: gustong sabihin isa tayo sa mga nagli-lead, lalong lalo na dito sa Asia, ng pag-uphold ng human rights. Napirmahan ito dati ni Pangulong Estrada. Noong panahon ni Pangulong Arroyo, ayaw niyang i-forward ito sa Senado. Pero noong panahon na ni Pangulong Aquino—ito, sa pag-udyok din ni Senator Miriam Defensor Santiago—finally, na-ratify ito sa Senate. Iyon, naging 117th signatory tayo.

Sabi ko nga, parang shining moment iyon kasi 11 years bago ito na-ratify sa Senado. Noong na-ratify ito sa Senado, ang naging implikasyon nito naging bahagi na ito ng batas ng ating bansa. Ganoon naman iyong nasa Konstitusyon—iyong mga treaty na pinapasukan natin, nagiging part of the law of the land. So committed tayo sa lahat na nakasaad doon sa deklarasyon. Nagpapakita ito na isa tayo sa nagpapahalaga sa human rights.

Ano ba iyong implikasyon ng pag-alis natin, pag-withdraw? Implikasyon nito, unang una iyong perception sa… iyong international perception sa ating bansa apektado. Pangalawa, nagiging questionable na iyong commitment natin sa international agreements. Pangatlo, ano ba iyong gustong sabihin nito pagdating sa human rights? Ayaw na ba natin mangako na i-a-uphold natin ito?

Ang pinakamahalaga, inaalis natin iyong—ito kasi, parang safety net: kapag mapang-abuso iyong mga opisyal, iyong pagiging signatory natin sa ICC, parang safety net natin na kung iyong mga opisyal natin hindi inaaksyunan iyong mga pang-aabuso sa loob, mayroon tayong madudulugan. So kapag umalis tayo dito, gusto bang sabihin inaalis na natin iyong safety net na iyon? Delikado ito sa future generations, kasi paano kung naging mapang-abuso iyong nakaupo? Wala na tayong malalapitan. Kaya nakakabahala, nakakabahala iyong deklarasyon ng ating Pangulo na magwi-withdraw tayo sa ICC.

Q: The timing, Ma’am? After sabihin ng ICC na iimbestigahan si President Duterte, tapos may decision to withdraw?

VP LENI: Iyon iyong mas nakakalungkot, actually. Parang iyong implikasyon, dahil iimbestigahan, aalis tayo. Marami iyong implications nito. Gusto bang sabihin natatakot tayo sa imbestigasyon? Iyong epekto kasi nito hindi lang sa present na set-up, pero iyong implikasyon nito pati sa mga susunod. Iyong pagkaintindi natin, hindi naman ganoon kabilis iyong proseso ng pag-withdraw—kailangan one-year notice, wala itong prejudice sa mga kaso na iniimbestigahan na, kailangan nito ng concurrence din ng Senado. Hindi siya puwedeng maging unilateral; kailangan kasi— Noong pinasok natin ito, kinailangan iyong concurrence ng Senate, kailangan paglabas natin ganoon din. In fact, kahapon, nagpasa ng resolution iyong Senado na pinirmahan ng 14 na senators na iyon din iyong pakiramdam, na kailangang idaan muna sa Senado iyong withdrawal.

Q: … Vice, iyong donation po ng FFCCCII (Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc.), sa Bicol po, just give us a figure po, tapos in general?

VP LENI: Actually wala akong bilang ngayon. This month nakaapat, pero napakarami na. Sa Naga, napakarami na natin. Siguro iyon iyong maganda na bilangin na kung ilan lahat.

Pero I think iyong pinakamahalaga, kampante tayo na nandiyan iyong FFCCCII, na iyong mga classrooms na hindi kayang sagutin ng ating pamahalaan, mayroon tayong madudulugan. Lalong lalo na ngayong taon. Kinukuwento sa amin kahapon sa Ocampo ng ating mga DepEd officials na this year, walang budget para doon sa mga classrooms na nasira ng [Typhoon] Nina. So kung walang budget, paano iyong mga bata? At least nandito sila, nandito iyong grupong ito para magbigay. At nagpapasalamat tayo na under Angat Buhay, hindi lang sila iyong nadudulugan natin. Marami pang mga grupo na nagbibigay ng classrooms. In fact, sa maraming lugar sa Pilipinas, FFCCCII iyong nadudulugan natin, plus iba pang mga grupo. Kaya malaking bagay.

Q: Thank you po, Ma’am!

– 30 –

Comments(0)

    Leave a Comment