Loading...
Loading...

[Transcript] Interview with Vice President Leni Robredo at the Angat Buhay Village Groundbreaking Ceremony

Office of the Vice President
6 March 2018
Angat Buhay Village Groundbreaking Ceremony

Brgy. Sagonsongan, Marawi City

OVP: Okay, Divina, first question.

Q: Ma’am, magandang tanghali. Si Divina po ng Philippine Daily Inquirer. Sino po iyong mag-identify ng mga beneficiaries na titira dito? Pareho pa rin po ba iyong qualifications ng pag-identify ng beneficiaries?

Tapos, pangalawa, for the record lang po: May ibibigay din po ba na livelihood program para sa beneficiaries, at paano ito ma-sustain?

VP LENI: Iyong unang tanong, sino mag-a-identify ng beneficiaries, ganoon pa din. Sasama tayo sa proseso. Pagtutulungan—ang pagkaalam ko, ang magtutulungan dito iyong Task Force Bangon Marawi saka iyong local government of Marawi. Iyong sa livelihood, magbibigay tayo. In fact, nag-umpisa na tayo habang nasa evacuation centers pa sila. Gaya noong na-mention ko sa speech, iyong Barangay Dayawan na women weavers, nabigyan na natin iyon ng mga gamit, nabigyan na natin ng kaunting kapital para sa kanilang mga pangangailangan. Pero patuloy natin iyong gagawin.

Pero sa atin, mas gusto natin na sila iyong mag-a-identify kung ano iyong pangangailangan. Gaya noong dinala namin kanina sa Piagapo, sila iyong nag-identify noon, iyong kailangan nila na abaca stripping machine, saka iyong iba pang mga gamit sa pagtanim ng abaca. Iyong sa Saguiaran ganoon din, at dito sa Marawi ganoon din. Hinahayaan natin na sila iyong mag-identify para eksakto sa pangangailangan nila.

OVP: Next question.

Q: Richard po, again from Inquirer, but I’m based in Lanao del Norte… Ma’am, ano po iyong reaksyon niyo kay Solicitor General (Jose Calida) naghain sila ng petition, quo warranto petition, questioning iyong appointment ni [Chief] Justice (Maria Lourdes) Sereno?

VP LENI: Ito, nakakabahala ito kasi iyong ating Saligang Batas ay klaro naman dito, na iyong tanging paraan ng pagtanggal sa Supreme Court justice ay through impeachment. At iyong impeachment proceedings, underway na. Para mag-isip ng iba pang paraan para matanggal siya, labag na ito sa Konstitusyon.

Marami na po tayong mga naunang desisyon ang Supreme Court. Kung naaalala natin noong panahon ni Chief Justice (Marcelo) Fernan, mayroon ding inihain na disbarment case. Iyong Supreme Court iyong nagsabi na hindi puwede iyan, kasi ang tanging paraan para tanggalin ang isang impeachable officer ay through impeachment lamang. Iyong natatandaan natin iyong panahon ni Ombudsman (Raul) Gonzales, ganoon din—nag-file din ng ibang kaso na iyong magiging resulta, pagkatanggal niya sa opisina. Ang sinasabi po ng ating Saligang Batas ay bawal iyan, dahil ang tanging paraan lang nga ay through impeachment.

Q: Do you think, Madam Vice President, na ang Supreme Court, nananatiling neutral in terms of giving justice to this case?

VP LENI: Ako, sana. Sana. Kasi iyon naman iyong essence ng judicial department. Iyong impartiality, siya iyong pinakamahalagang feature ng ating justice system, kasi kapag wala na iyon, paano tayo titiwala? Mahalaga na pinapakita niya na independent, mahalaga na pinapakita niya na neutral, kasi kailangan niyang pagtiwalaan siya ng taumbayan. Oras na mawala iyong tiwalang iyon, wala na tayong maaasahan na magpapa… magsisiguro na iyong katarungan ay mabibigay sa lahat na Pilipino.

OVP: Last question.

Q: Zoraida po of Radyo Pilipinas Marawi. Ma’am, sabi mo kanina ang mga kababaihan dito ang mag-identify para sa kanilang livelihood program. Isa lang po sa napansin dito ay wala tayong women center sa Marawi, kung saan puwede din po iyong maging livelihood center, training, etc., so baka po may maitulong kayo na ang Marawi City ay magkaroon ng women center.

Then, my next question po, Ma’am, is tungkol sa BBL, Bangsamoro Basic Law. Anong stand po natin sa BBL, Ma’am?

VP LENI: Iyong umpisa po, iyong livelihood center, gaya ng sinabi ko sa speech kanina, dito mismo, dito mismo sa Angat Buhay Village, magkakaroon po tayo ng community center na mayroon siyang livelihood center. Tingin natin mahalaga na mayroong common service facility—hindi lang kababaihan, pero iyong lahat na tumitira dito, mayroong common service facility, kung saan nila puwedeng gawin iyong kanilang mga livelihood na endeavors.

Pangalawa, iyong BBL, noong pong 16th Congress, noong panahon na bahagi pa ako ng 16th Congress, isa po tayo sa mga sumusulong na maipasa ito. At sana ngayong panahon na ito, mapakinggan na kung anong gusto ng mga tagarito sa inyo, kung anong gusto niyong tahakin na landas.

OVP: Okay, thank you, Vice President. Thank you, members of the media.

Q: Thank you, Ma’am.

VP LENI: Maraming salamat.

– 30 –

Comments(0)

    Leave a Comment