Loading...
Loading...

[Transcript] Interview with Vice President Leni Robredo at the Pakasaritaan 2018 Conference

Office of the Vice President
17 March 2018
Baguio City

Q: Ma’am, ano iyong comment po ninyo regarding doon sa pag-withdraw natin sa ICC?

VP LENI: Iyong sa akin, nakakabahala ito kasi iyong pagiging signatory kasi natin sa Rome Statute, isang bagay na hindi naman bigla-biglang pinasok. Isa itong produkto ng masusing pag-aaral. In fact, isang kababayan natin kabahagi ng mga framers ng Rome Statute. Until now mayroon tayong permanent representative doon, si Dean Raul Pangalanan. Iyong pagiging signatory natin, nangangako tayo na gagawing bahagi ng law of the land—gustong sabihin bahagi na siya ng ating mga national laws, iyong provisions ng Rome Statute.

Maraming implikasyon iyong statement na magwi-withdraw tayo. Iyong isang statement doon, gusto bang sabihin ayaw na nating i-embrace iyong mga prinsipyo na in-embrace natin in the first place? Pangalawa, hindi siya maganda sa ating international reputation. Pangatlo, apektado nito iyong standing natin as far as international commitments are concerned. Pang-apat, nagbibigay siya ng maraming mga… parang binibigyan natin ng pagkakataon iyong iba na mag-speculate laban sa atin. Maraming nagsasabi, gusto bang sabihin ano ba ito… ano ito? Parang similar sa flight na evidence of guilt? Gusto bang sabihin na natatakot tayo? Etcetera, etcetera.

Kaya iyong sa akin lang, bago tayo magdesisyon kung magwi-withdraw tayo o hindi, isang proseso din na kasing masusi sa pinagdaanan natin sa bago tayo nagdesisyon na maging signatory nito.

Q: Ma’am, other issues naman po. Regarding po kay Napoles, na she’s closer to being a state witness?

VP LENI: Ito, alam naman natin kung sino si Janet Napoles. Isa siya sa mga sumira talaga… sumira sa reputasyon hindi lang ng mga pulitiko, pero ng mga institusyon. Matagal siyang hinanap. Matagal siyang… matagal siyang—Parang mahaba din iyong proseso natin bago madala siya sa ilalim ng batas. At hindi basta-basta iyong… hindi basta-basta iyong kaniyang na-commit na krimen.

Para sabihin na eligible siya para maging state witness, napaka… parang ginagawang mockery iyong justice system nito, eh. Alam naman natin na iyong puwede lang maging state witness iyong least guilty. Alam natin na si Janet Napoles iyong namuno para gawin ding mockery iyong mga batas natin. Siya iyong arkitekto para gumawa ng mga fake na NGOs na mag-funnel in ng maraming… malaking amounts ng taxpayers’ money. Tapos ngayon, kung gagawin siyang state witness, anong implikasyon noon—na ganoon-ganoon na lang ba?

Iyong mahirap nito kasi nakikita natin na slowly na-e-erode iyong institutions natin kapag iyong mga opisyal na humahawak—gaya noong Department of Justice… parang galing pa lang tayo sa isang blow noong pinawalang-sala si Peter Lim saka si Espinosa, tapos ang kasunod ito. Parang talaga bang gusto nating sabihin sa tao na hindi na siya… hindi na tayo dapat tumiwala sa sarili nating justice system?

Q: Ma’am, tungkol po dito sa pag-ikot niyo dito sa adbokasiya niyo para sa Konstitusyon natin, talaga po bang sinasabay natin ito sa Angat Buhay program?

VP LENI: Actually una ito, ito iyong unang—hindi actually siya pag-ikot, pero siguro nalaman noong organisasyon ng political science students na papunta ako because of the PMA graduation kaya inimbita ako. Pero hindi ako nag-iikot para dito sa Constitution. Hindi siya bahagi ng Angat Buhay.

Q: Is this the first of a series that you are going to do, tapping the students because they have the power to change?

VP LENI: Actually hindi siya series, kasi as I have said, I am here to honor an invitation. It was not an event that was initiated by the office. It’s not a series in the sense that we don’t even have a plan to go around just for this. We go around for our Angat Buhay program, but not to campaign against charter change.

Pero having said that, tingin ko it was also a very good opportunity to remind students [of] what their role should be in the scheme of things. Paminsan kasi mayroong resignation na, “Charter Change? Trabaho lang iyan ng mga legislators.” O “trabaho lang iyan ng mga constitutional law experts.” Pero hindi. Kasi iyong mga estudyante, kahit estudyante pa lang sila, obligasyon nila na iparinig iyong kanilang boses. Kasi kung hindi ipaparinig iyong divergent views, baka iyong mag… magbago iyong Konstitusyon dahil kaunting boses lang iyong pinakinggan.

So ako, iyong ina-advocate ko, hindi ako for or against constitutional change as of now, pero iyong ina-advocate ko, na sana… sana bigyan ng seat at the table iyong… iyong lahat na sektor na nagma-matter. Sana pakinggan iyong boses ng maraming tao. Sana siguraduhin na bago pa man tayo pagkaroon ng plebisito, naiintindihan ng tao kung ano iyong pinagbobotohan niya. Sana hindi madaliin. Sana pag-usapan nang maayos. Sana, halimbawa, iyong composition ng consultative commission, mas i-expand para may representation iyong mga mahahalagang sektor ng society. Sana hindi ito tingnan na isang politika lamang. Sana hindi i-equate iyong constitutional change sa whether or not sumusuporta ka kay Pangulong Duterte o hindi, kasi this is something that is much bigger than any of the public officials that we have, because this will spell the future of the generation that will come [after] us. Sana bigyan ng halaga iyong Konstitusyon.

Q: Ma’am, doon sa pag-expand ng constitutional commission po: sinu-sino po sa tingin niyo ang dapat, at paano po ba dapat ang process? Parang iyong naging process po doon is pinapili iyong mga officials per region, kung sino iyong puwede…

VP LENI: Iyong ano kasi, iyong consultative commission, in-appoint sila ni Pangulong Duterte. Pero ito naman consultative lang. Hindi naman “your word is law.” Pero dahil consultative nga, sana iyong pakinggan na boses hindi lang iyong for federalism. Sana pakinggan din iyong boses noong mga anti-federalism. Sana pakinggan din iyong boses ng mga sektor. Kasi how can we decide whether or not to shift to another form of government kung ang pinapakinggan natin iyong isang boses lang—ito iyong mga boses ng lahat na nag-a-advocate for [federalism]? Bakit hindi natin pakinggan iyong boses noong kumokontra nito? Kasi iyong mga pinakamagagandang desisyon can only be arrived at after we listen to divergent views. Pero kung isang view lang iyong pinapakinggan natin, hindi tayo interesado na magkonsulta, ‘di ba? Parang nagiging… nagiging… parang hinahanapan lang natin ng justification iyong magiging… magiging desisyon. Pero kung ang consultative commission, iyong dahilan niya para magkonsulta, sana iyong iba’t ibang views bigyan ng pagkakataon.

Q: Thank you, Ma’am!

– 30 –

Comments(0)

    Leave a Comment