Loading...
Loading...

[Transcript] Interview with Vice President Leni Robredo at the P&G Philippines Women Symposium 2018

P&G Philippines Women Symposium 2018
Ascott Bonifacio Global City Manila, Taguig City

Q: Ma’am, a few questions lang po… Women’s Month po.

VP LENI: Ayan iyong boss ko, eh. [_laughter_] Ano lang, Happy International Women’s Month to everyone.

Q: Si CJ [Sereno] po kasi, pagbobotohan po ngayon iyong impeachment po niya. Any words for the embattled women?

VP LENI: Iyong kay CJ kasi, iyong impeachment proceedings, ano iyon, Congress. Kaya hayaan sana natin na-go through iyong buong proseso, kasi mahalaga na narerespeto kung ano iyong proseso na ibinibigay ng ating batas, at iyong prosesong iyon ay impeachment. Kapag pinagbotohan iyon ngayon, kung pagbotohan na i-e-elevate sa Senate, aabangan natin iyong proceedings sa Senate, kasi lahat naman tayo gusto katotohanan.

Q: Ma’am, iyong calls for resignation and quo warranto, masasabi niyo doon?

VP LENI: Iyong quo warranto kasi, outside the Constitution. Iyong impeachable officers, sinasabi ng ating batas na puwede lang matanggal through impeachment. Kahit anong proseso outside of impeachment, hindi puwede. Marami nang previous cases na napagdesisyunan dati iyong Supreme Court. Dati iyong kaso ni Chief Justice Fernan, sinampahan din siya ng disbarment case, sabi ng Supreme Court noon bawal iyon kasi puwede lang siyang matanggal by impeachment. Nangyari din iyon kay Ombudsman Gonzales; sinabi din ng Supreme Court na bawal iyon. At may mga justices na din na nagpahayag na hindi talaga iyong puwede sa Konstitusyon.

– 30 –

Comments(0)

    Leave a Comment