Loading...
Loading...

[Transcript] Interview with VP Leni Robredo at the USI 150th Foundation Anniversary

Office of the Vice President
Universidad De Sta. Isabel 150th Foundation Anniversary Lecture Series
Universidad de Sta. Isabel, Naga City

Q: Ma’am, 150th anniversary ng USI, and alumna ka digdi. Women empowerment on the 21st century—bakit po ganiyan iyong topic natin?

VP LENI: Iyong women empowerment kasi in the 21st century, ito iyong parang theme ng United Nations for this year, at very appropriate na isang… isang… isang school for girls, nag-sponsor ng ganitong lecture series, kasi ito talaga iyong opportunity na paaralan iyong maging vehicle para isulong iyong prinsipyo ng women empowerment. Kasi iyong education naman iyong nagbibigay sa atin ng pagkakataon na magkaroon ng informed choices, pagkakataon na magawa iyong lahat na kaya nating gawin based on our abilities. Kaya ito, sana nga lahat ng schools ginagawa ito, kasi ano talaga, maraming misconceptions din about women empowerment.

Q: Isa po sa mga topic kanina iyong fake news. Kahapon parang nasambit kayo ni PCOO [Usec. Lorraine] Badoy na “purveyor of fake news.” Ano pong reaksyon niyo, Ma’am?

VP LENI: Hindi ko na siya pag-aaksayahan ng oras. Mas maraming mahalagang issues na dapat tayong [pag]tuunan. Hindi na ako mag-aaksaya ng oras sa mga hindi dapat pag-aksayahan ng oras.

Q: Ma’am, sabi niyo nga mas maraming importanteng dapat pagtuunan. Ma’am, last week, iyong sa Albay, nag-call kayo for help. Ano na po iyong update doon, at ano na iyong plano?

VP LENI: Nasa Albay ako noong Wednesday. Pagpunta ko, iyong in-identify nila na pinaka-urgent na kailangan, portalets. Mayroon na tayong diniliver na—kung hindi ako nagkakamali—23 na units ng portalets na nasa Guinobatan saka nasa Camalig. Ngayon nagko-call pa tayo ng donations, kung sinong puwedeng magpahiram nang libre ng portalets pa. Ang priority natin, kung mayroon pang darating, iyong Daraga saka Legazpi, kasi ito—iyong Camalig, Guinobatan, Daraga, Legazpi—iyong number ng evacuees napakarami.

Sa Friday nandoon ulit ako. Nakapagbigay na kami ng tulong halos sa lahat na nine LGUs na affected, pero patuloy iyong pagdating ng donations sa aming opisina, so pagbalik ko sa Friday, again, magde-deliver hindi lang ng mga food packs, pero mga mats, mga blankets, toiletries. Kasi ito iyong kailangan talaga.

Iyong pinagdadasal lang natin, sana matapos na, kasi kawawa talaga iyong mga nasa evacuation centers, kasi iniwan nila iyong kanilang mga bahay, kanilang mga ari-arian. Sa dami ng evacuees—ang evacuation centers na ginagamit natin, mga paaralan—on the average, mga 20 families per classroom. Talagang mahirap, kaya nagkukulang ng mga banyo.

Pangalawa, iyong ginagamit kasing evacuation centers mga paaralan, ‘di ba? Siyempre naaantala iyong pag-klase. Kaya iyong sa akin nga, panahon na talaga para pag-isipan iyong mas pangmatagalang solusyon. Iyong Albay—pati iyong buong Bicol region—daanan talaga tayo ng calamities. Dapat mas… mas… mas permanenteng solusyon na ang kailangang hanapin. Halimbawa iyong Guinobatan, may magandang ginawa iyong LGU: bumili sila ng property outside the danger zone. Kailangan na lang nila ng tulong ng pamahalaan. From before, nakakuha sila ng tulong for land development. Ang kailangan nila ngayon tulong for houses, 500 houses. Pero sana ganito iyong gawin, kasi iyong inilikas ngayon, ito iyong each and every time ililikas—whether eruption, whether bagyo. Ano talaga, hindi makapamuhay nang tahimik, kasi every now and then aalis sila, iiwan nila iyong mga bahay nila, o masisira iyong mga bahay nila. Kawawa. So talagang dapat upuan—kahit mas magastos, basta mas pangmatagalan, mas maayos.

Q: VP, kahapon po pinresent ng kampo ni [former] Senator [Bongbong] Marcos iyong mga evidence daw ng kampo niya doon sa naging dayaan ng 2016 elections. Ano pong masasabi niyo?

VP LENI: Ito kasi may kaso, so dapat nasa mga abogado na.

Pero hindi pa nag-o-open ng mga ballots. Gusto kong sabihin, iyong mga balota, hindi pa lahat na-o-open. In fact, as of last night, sobrang dami pang ballot boxes ang naiwan dito sa Camarines Sur. Hindi pa nata-transport papuntang Manila. So saan galing iyong ebidensya na hindi pa… hindi pa nga tapos iyong Camarines Sur, hindi pa nga tapos iyong pag-transport.

Parang… Iyong nakakapag-alala lang—hindi ko na idi-discuss iyong details, kasi sa mga abogado ito. Pero iyong nakakapag-alala lang, tila may plano. Tila may plano na pareho ng pag-revise ng history. Parang nire-revise din iyong kuwento. Siyempre iyong ebidensya nasa balota. Maraming propagandang… maraming propagandang lumalabas na hindi totoo, kaya iyong nais talaga natin matapos na, para wala nang pagkakataon na gumawa pa ng mga kasinungalingan.

Q: Thank you, Ma’am.

VP LENI: Thank you.

– 30 –

Comments(0)

    Leave a Comment