Loading...
Loading...

[Transcript] Interview with Vice President Leni Robredo at Senate

Office of the Vice President
9 October 2017
Plenary deliberations of OVP’s budget for FY 2018
Senate of the Philippines, Pasay City
Q: [RE: additional P20 million allotment, for OVP’s Angat Buhay anti-poverty program]
VP LENI: Ngayon kasi, itong Angat Buhay, ano siya, mas partnership siya with the private sector. Kaya naka-depend kami sa private sector, except that mayroon kaming— Iyong for operations of the program, mayroon kaming napapagkuhaan na subsidies and operations. Iyong Angat Buhay is one of that. Parang iyong suggestion ngayon, parang magkaroon na ng bahay iyong Angat Buhay, may sarili na siyang programa. Kaya iyong 20 million [pesos], ang laking bagay noon.
Q: Ma’am, saan niyo po ilalagay iyong 20 million?
VP LENI: Iyong Angat Buhay kasi, mayroon siyang anim na pillars. Ano ito: food security and nutrition, housing, rural development, women empowerment, universal healthcare, saka education. So doon sa mga areas na iyon… Ang gustong sabihin noong 20 million, puwede na kaming mag-spend para doon. Ngayon kasi nakaka-spend lang kami for operations. Pero iyong program itself, umaasa kami sa private partnerships.
So ngayon na mayroon na siyang 20 million, kahit siya kaunti, ang laking bagay na for us, kasi hindi na kami totally dependent on the private sector.
Q: Ma’am, can we get lang your comment doon sa survey kay Pangulo—
VP LENI: Budget na lang muna, sorry. [laughs]
Q: Ma’am, is it time na—
VP LENI: Hindi na muna, sorry.
Q: Ma’am, iyong about—
VP LENI: Budget na lang muna. Sorry.
Q: Ma’am, iyong priority lang for the 20-M, may regions ba na ipa-prioritize?
VP LENI: Mayroon kami ngayon. Nag-start kami ng 50 communities. Ngayon nasa 143 kami. Ito iyong mga poorest, smallest, farthest na communities. Bale naka-concentrate na muna sa kanila. Although magwa-one year na kasi kami tomorrow, October 10. Magwa-one year na kami. Plano namin mag-expand pa to other communities. But as of now, 143 pa lang siya.
Q: Regardless of iyong political leanings ng mga local officials?
VP LENI: Ah, wala, wala.
Mayroon kaming formula noong pagpili noong 143. Isa doon iyong kung iyong pangangailangan niya, swak doon sa sinabi kong anim na pillars. Pangalawa, iyong leadership niya, proactive. Ang gustong sabihin, dahil umaasa kami ngayon sa private partnerships, hindi mahihirapan iyong partners namin to deal with the local officials. Iyong pangatlo, parang aligned iyong advocacies ng Opisina at ng local government units. So iyong pagpili—
Ah, iyong disaster-affected areas. Gaya ngayon, malaki iyong presence namin sa Lanao del Sur, particularly sa Marawi, dahil sa nangyari. Kapag nagkakaroon ng calamities, iyong mga areas na pinakatinatamaan, tinutulungan. Hindi lang ito sa bagyo, pati iyong sa mga lindol tumutulong kami. Kaya iyong ibinigay ngayon na 20 [million], napakalaking bagay.
Q: Unexpected po ito?
VP LENI: Unexpected. Parang just before nag-start iyong—
Actually, during the committee hearing, tinatanong na kami, “Hindi niyo ba kailangan iyong dagdag na budget?” Kami naman parating kailangan, pero parang iyong biro ko sa kanila, kung pag-aawayan, huwag na lang. Pero mukha namang walang opposition iyong iba na dagdagan.
Actually, before nag-start, tinanong ako ni Senator [Tito] Sotto. Sabi niya, “Narinig ko iyong programa mo. Magkano iyong budget mo doon?” So sabi ko sa kaniya, “Wala po iyong sariling budget, pero iyong operations po noon, may napapagkuhanan kami.” Tapos sabi niya, “Itatanong ko ito kay Senator [Loren] Legarda na—”
Q: Ma’am, iyong pong 140 communities, ilan po ang families doon?
VP LENI: 143.
Q: 143?
VP LENI: Hindi kasi siya— As of now, iyong natutulungan na, 75,000 families. Pero ito kasi, mas programmatic more than anything else. Halimbawa, ang programa namin nutrition and food security, ang inaasikaso namin doon iyong mga families na may malnourished children. Halimbawa iyong programa, sabihin na natin na universal healthcare, iyong inaasikaso din namin iyong mga may problema sa maternal and child health. Iyong mga ganoon. Depende sa programa. Hindi depende sa population ng geographical areas.
Q: Ma’am, iba pa po iyan doon sa under ng CCT program?
VP LENI: Iba iyon, iba iyon. Ito, parang ano siya, complementary naman ito sa CCT, kasi karamihan din sa beneficiaries, CCT beneficiaries din. Pero ito nga, nagko-concentrate kami sa anim na pillars na sinabi ko. Depende sa identified na priority na programa at pangangailangan ng local government unit.
Q: Sinong mag-a-identify doon, Ma’am? Kayo mismo?
VP LENI: Kami iyong nag-a-identify. Pero based doon sa formulang sinabi ko.
Tiningnan namin— Iyong pinakauna naming tiningnan iyong 20 poorest provinces. Iyon iyong una naming… ano ito? Iyon iyong una naming kin-oncentrate-an. In fact, mayroon kaming ni-launch na parang provincial… province-wide na Angat Buhay. Iyong isa doon Cebu, kasi iyong poverty magnitude ng Cebu malaki. Iyong isa doon Lanao del Sur. Nag-launch kami sa Lanao del Sur, sa Marawi, noong March, dahil dito din iyong mataas na poverty incidence. So kami, mas mahirap, mas malaki iyong presence namin.
Q: Ma’am, saan napupunta iyong bulk ng pera niyo?
VP LENI: Sa ano talaga… Iyong anim na sinabi ko kanina. Iyong anim na programs, napupunta siya doon. Iyong operations kasi ngayon, parang kinakarga namin sa opisina, kasi walang sariling budget iyong Angat Buhay. Pero kapag nagkaroon na siya ng sariling budget, hindi na kami fully dependent sa private—
Ang gustong sabihin, halimbawa, may kalamidad, puwede na kaming gumastos para sa kalamidad. Hindi na kami— Ngayon kasi, parang pina-partner namin. Kapag mayroong nangangailangan, maghahanap kami ng mga private organizations na willing mag-help sa community. Parang kami, conduit lang.
So kung mayroon kaming sariling programa, makakatulong iyon nang malaki.
Okay?
Q: Salamat, Ma’am!
VP LENI: Salamat!
– 30 –

Comments(0)

    Leave a Comment