Loading...
Loading...

Transcript of Interview with Vice President Leni Robredo at the Philippine Dermatological Society Induction Ceremony

5 October 2017
Office of the Vice President
Philippine Dermatological Society Induction Ceremony
Wack Wack Golf and Country Club, Mandaluyong City
Q: On fake news lang po.
VP LENI: Sige.
Q: Ano pong assessment niyo so far, because sabi nila— Sina Senator [Nancy] Binay, sabi nila dapat even the bloggers get regulated. What’s your take on that?
VP LENI: Nag-a-agree naman ako. Iyong sa akin… Siguro alam naman ng lahat na ako iyong isa sa pinakabugbog sa fake news, pero for the longest time, hindi ko dini-dignify, kasi para sa akin, parang ano iyon, eh, kasinungalingan. Sinabi ko na lang sa sarili ko na bahagi siguro iyon ng pagiging public official, so for the longest time ayaw ko siyang i-dignify.
Pero—Hindi ko napanood iyong kahapon, so kanina binabalikan ko iyong bits and pieces ng ano… Para sa akin, medyo na-eskandalo ako. Unang una, iyong iba sa kanila na nandoon sa Senado ay pinagmulan ng maraming kasinungalingan tungkol sa akin, pero unapologetic. Walang bahid ng pagsisisi. Parang walang kahihiyan. At iyong masama pa sa lahat, parang iyong… iyong yabang at angas, nandoon, eh.
Para sa akin, insulto iyon sa… Insulto ito sa maraming kawani ng pamahalaan na naninilbihan sa taumbayan kahit napakakaunti ng nakukuhang kapalit. Iyong para sa akin— Iyong sa atin, iyong paniniwala natin bilang mga Pilipino, na iyong paninilbihan para sa bayan, isang pribilehiyong hindi nabibigay sa lahat.
Para sabihin mong hindi mo kailangan iyong pamahalaan, iyong pamahalaan iyong nangangailangan sa iyo, parang… Ito ba tayo bilang Pilipino? Hindi tayo ganito, eh. Iyong sa atin, iyong paninilbihan sa bayan walang halaga, hindi puwedeng isukat. Pero parang dinadaan sa yabang.
Kaya sa akin lang, siguro iyong realization ko lang habang pinapanood ko: papayagan ba natin na iyong kasamaang ganito iyong magpe-prevail?
Q: Ma’am, is there a need daw po to pass iyong Fake News Bill? Kasi baka raw po censorship iyon?
VP LENI: Iyong sa akin kasi, tingin ko marami na tayong mga batas na nagre-regulate nito. Pero iyong sa akin, siguro bawat isa sa atin—Bahala na iyong Kongreso, kasi iyon naman iyong purpose noong pagpatawag.
Pero sa atin lang, panawagan bilang mga Pilipino na ito ba tayo? Ganito ba tayo ka… Ganito ba iyong pagtingin natin sa paglilingkod sa bayan? Parang sinasabi na kaya sila naglilingkod kasi gustong makatulong, pero sa ganoon na asta, hindi yata nakakatulong, pero lalong nakakasama.
Q: Ma’am, last na lang po from me. Iyong sa electoral protest lang. Kasi po si BBM kanina nagsabi lang… ang sabi niya, ang nakikita niyang timeline, one to two months lang matatapos na, at malalaman na raw kung sino ang totoong nanalo?
VP LENI: Ako, wala na sigurong ibang naghahangad na mapabilis ito kundi kami, dahil alam namin na walang katuturan iyong finile na kaso. Nakikita natin… Iyong first cause of action, iyon na-deny na. Sila mismo nagsabi na hindi na sila magpepresenta ng testigo. Gustong sabihin iyong una nilang claim na marami silang testigo, wala naman talaga.
Kaya kung… Siguro kung may interesado na matapos agad ito, kami iyon. Para— Ito iyong lamat na pilit kinakabit sa atin, na wala namang katotohanan.
Okay?
Q: Thank you, Ma’am!
– 30 –

Comments(0)

    Leave a Comment