Loading...
Loading...

Transcript of Press Conference of Georgina Hernandez, Spokesperson of Cong. Leni Robredo

Ms. Hernandez: Magandang hapon po sa inyong lahat. Sa ating mga kasamahan mula sa media, sa mga sumusubaybay sa eleksyon na ito, magandang hapon po.

As of 4:45 PM, si Cong. Leni Robredo ay may boto nang 13,962,871. Lamang na po siya nang 231,179 kay Sen. Ferdinand Marcos Jr.

Ang mga boto ay may katumbas na 95.59% ng election returns o 43,509,348. Ngayon po, inaantay nalang natin ang pagpasok ng mga natitira pang mga boto na hindi na-transmit mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Tungkol po doon sa nasabi ni Sen. Miriam Defensor Santiago kaninang umaga, iginagalang po natin ang pahayag ni Sen. Miriam, ngunit kung titignan po, noong Abril pa lamang po ay unti-unti nang tumataas ang rating ni Cong. Leni sa iba’t ibang mga survey.

Ang pagtaas nito ay bunga ng hirap at pawis ng mga taga suporta at volunteers ni Cong. Leni. Kaya para sabihin na ito ay minanipula lang ay malaking insult sa kanilang pagsisikap.

Kita naman po natin ang takbo ng partial at unofficial tally. Nakalagay po ito sa mga website na pwedeng tignan ng publiko sa anumang oras. Kung mayroon silang nakitang anumalya sa bilangan, mas maganda sigurong idaan natin sa tamang proseso at huwag idaan sa media ang reklamo.

Doon sa kakatapos lamang na presscon ng kampo ni Sen. Marcos, may mga ibinatong tanong sa Commission on Elections kaya dapat pong masagot ito ng COMELEC sa lalong madaling panahon upang mabigyang linaw ang publiko.

Maraming salamat po.

Bigyan niyo po ako ng pagkakataong magpakilala. Ako po si Georgina Hernandez, ang spokesperson ni Congresswoman Leni Robredo.

Q: Would you like to address iyong claims nila na ang result daw ng kanilang exit polls and internal surveys, contradict the results kasi sa exit polls at surveys nila, leading daw si Senator Marcos. Do you have any internal surveys also?

Ms. Hernandez: Tungkol po sa usapin ng exit polls, nais po nating bigyang linaw na hindi natin magagamit bilang basehan ang nabanggit na exit polls.

Bakit po? Hindi na nga ho natapos ang pagpapatakbo ng exit polls na ito dahil naunahan na ito ng pagpapalabas ng opisyal na boto mula sa ating transparency server.

Napangunahan lang ng panahon. Sa napakabilis na paglabas ng results sa ating transparency survey ay ni hindi na po tinapos ang ating exit polls kaya hindi na po natin maaaring sabihin na dahil lamang si Sen. Marcos dito ay mayroon tayong hindi pagkakapareho doon sa transparency server.

Q: How about the internal surveys?

Ms. Hernandez: Sa totoo lang pinagbabasehan din po natin kung ano ang nakikita nating lahat sa TV. Simula po noong unang araw doon ho kami nakatutok sa mga resulta na lumalabas sa mga iba’t ibang website at iba’t ibang mga media channels.

So pare-pareho po tayo nang tinitignan na resulta at malinaw po at nakikita natin ang resulta na tuloy tuloy po ang pagtaas ni Cong. Leni sa ating Vice Presidential race.

Pinagbabasehan pa din po namin iyong mga surveys na naganap right before elections at nakita naman po natin na lumamang si Congresswoman Leni Robredo bago tayo pumasok sa Mayo 9 at hindi po natin maikakaila na lamang po si Congresswoman bago noong eleksyon.

Q: So iyong binabanggit po kanina na dapat nilang pasagot nalang sa COMELEC iyong tungkol sa computer?

Ms. Hernandez: Opo. May nabanggit po kasi ang kampo ni Sen. Marcos noong presscon kanina tungkol doon sa sinasabing iyong slip or computer command.

Ang sinasabi nila, sa totoo lang hindi po namin alam kung totoo ito at anong basehan nito pero ang sa amin lang, kung sinasabi nila na nagkaroon ng new slip or computer command at about 7:30 PM, nais po naming bigyang linaw na umaakyat pa po ang boto ni Sen. Marcos pagkatapos ng 7:30 PM.

In fact, pinakamataas na botong natanggap ni Sen. Marcos ay 8:25 PM. Nag-peak iyong lamang ni Sen. Marcos at 935,838 after noong sinasabing iyong slip na ipinasok noong 7:30 PM.

At dahil po transparency server, pwede po natin itong ma-check sa iba iba pong mga existing transparency server. Pero sa tingin po namin, mas nararapat na ang COMELEC po ang sumagot doon sa mga binabanggit kanina.

Tutal nagbigay naman daw sila ng sulat sa COMELEC, so hintayin po natin ang sagot ng COMELEC sa bagay na ito at kami po ay maghihintay sa kung ano man po ang magiging response o kaya aksyon ng COMELEC sa bagay na ito.

 Q: Ma’am, sa tantsa po ba ninyo, anong mga areas pa iyong hindi pa natin nakukuha ang resulta dahil nga sa may problema sa transmission at sa mga areas na ito, ilang porsyento po ba ang kay Leni Robredo?

Ms. Hernandez: Ah, tulad po nang nabanggit ko kanina, ang pinagbabasehan lang po namin sa kung ano pa ang hindi pa na-tatransmit na boto ay siyang mga nakikita rin ng lahat ng Pilipino.

Iyong mga nakikita natin sa Internet, iyong mga nakikita natin sa media, doon lang po kami tumitingin at base po sa datos na iyon, may mga paparating pang boto mula sa bahagi ng Mindanao sa ARMM.

Mayroon ding mga paparating na boto. Panaka-naka eh, sa kada probinsya. Maliliit nalang talaga iyong balanse sa kada probinsya so hindi na natin masasabi sa ngayon na concentrated except iyong pinakamababa natin sa ARMM at siyempre stable naman daw iyong overseas workers.

Q: Pero given the fact that there are still these areas na kahit gaano kaliit, dahil sa dikdikang laban, so based on your internal assessment, maaari po bang pumasok lahat itong mga areas na ito? Ahead pa rin po ba si Leni Robredo?

Ms. Hernandez: Mamaya ho may iimbitahan hong resource person, tapusin lang po sana natin iyong open forum regarding our statement.

Pagkatapos po niyan ay tatawagin ko na iyong resource person namin na maaaring magpaliwanag kung ano pa ang maaaring maging galaw sa resulta ng ating eleksyon sa pagka-pangalawang pangulo.

 Q: Nasan po si Cong. Leni right now? And ano po ang naging reaksyon niya doon sa naging press conference ni Sen. Marcos?

Ms. Hernandez:  Sa ngayon po, si Congresswoman Leni Robredo, tulad po ng sinabi ng karamihan sa mga Pilipino ay nag-aabang sa pagtatapos ng bilangan sa resulta ng eleksyong ito.

Siya po ay nag-aasam na na magkaroon na ng mainam na resulta ang eleksyong ito para naman magkaroon siya ng pagkakataon din na mag spend time sa kanyang mga anak. Hindi lang ngayong eleksyon na talagang ubos ang oras niya.

Pero even during the campaign period ay matagal na oras na din iyong nawala sa kanyang mga anak. So siya po ay nagbabantay at tulad din natin ay nagnanais na magkaroon ng resulta ang eleksyong ito para siya ay makabalik sa pagkakaroon ng oras sa pamilya.

Q: But have you spoken with her na? And ano po ang reaksyon niya doon sa sinabi ng kampo ni Sen. Marcos? Inexpect ba niya ito?

Ms. Hernandez: Hindi pa po kami nagkakausap sa ngayon kasi kakatapos lang noong press conference. Right after this, magkakaroon kami ng pagkakataon na mag-usap at makuhanan siya ng reaksyon sa bagay na ito.

Kagabi ay nagkaroon kami ng pagkakataon na mag-update tungkol sa iba’t ibang mga detalye na binabantayan pa natin.

Iyong balanse na 5% na hindi pa na-tatransmit na boto ay napagusapan rin namin kagabi at maayos naman at malinaw ang naging diskusyon.

Q: How confident are we na ma-reretain ni Cong. Leni iyong lead sa pagpasok ngayon ng overseas absentee voting?

Ms. Hernandez: Sa ngayon po mayroon kaming resource person na maaaring sumagot sa bagay na iyan.

Q: Ma’am may panawagan ba tayo sa kampo ni Bongbong Marcos?

Ms. Hernandez:  Ang sa akin lang po, sana po ang lahat ng mga paratang na kanilang binabanggit sa media ay maidaan sa pormal na pamamaraan. Ipasa natin sa COMELEC nang mahusay.

Huwag nating gawan ng paraan na maimpluwensyahan ang isipan ng publiko sa kung ano man ang sinasabi nila na nangyayari, ginagawa, nagagawa sa eleksyong ito.

Dahil sa tingin po namin, narinig natin mula sa foreign observers of this elections, pinupuri nila ang nangyaring eleksyon na pinakamalinis, pinakamabilis at nakikita nila na walang dayaang nagaganap sa nangyayaring eleksyon na ito.

So sana po kung may sumasalungat sa mga bagay na iyon ay idaan natin sa tamang proseso na nasa lugar naman.

 

Comments(5)

  • sr.jesh
    May 12, 2016, 3:32 am  Reply

    ver well said.#KuDOSVPLENI

  • Arnel navarro
    May 12, 2016, 10:56 am  Reply

    We pray and hope that in the end the truth will prevail and mrs robredo will be our new vp

  • Jolly
    May 13, 2016, 12:52 am  Reply

    Inis na inis ako sa mga marcos na yan!!akala ba nila lahat ng tao bobo?bkt ang lakas ng paniniwala nila na lahat ng tao mabobola nila??pano naman kami na matatalino??kami na alam kung anong klaseng tao sila!!!maraming marami kami!at kami yung hindi bumoto sa kanya!!!

  • Joseph h. Compas
    May 14, 2016, 4:46 am  Reply

    We will support u ma’am leni..we always pray u…go go go kya mu yan ipag laban mo ang ating mga ina at ama na naghihirap.at sayo lang po kme magtiwala at alam nmin na sa pamamalkad mo ay aangat tayong lahat…marming salmat po ma’am leni robredo..godbless u and your family…

  • May 14, 2016, 5:56 pm  Reply

    During SNAP ELECTION, SI CORY NADAYA NG MGA MARCOS AND f. mARCOS WAS PROCLAIMED AS THE WINNER. PERO HINDI ITO NAGTAGAL AT NAGKAROON NG PEOPLES POWER NA NAGING DAAN UPANG ANG MGA MARCOSES AY MAITABOY AT ITO ANG NAGING RESULTA PARA SI CORY AY MAGING PHILIPPINE PRESIDENT. kAYA ITONG STYLE NI BONGBONG QUESTION MARK ITO, WALA SILA SA AYOS KUNG SINO ANG DAPAT NA MAGING VP NO OTHER THAN LENI ROBREDO !

Leave a Comment